Vic Sotto at Dina Bonnevie, ready na sa pagpapakasal nina Oyo Boy at Kristine

MUKHANG MAY BALAK na nga ang magkasintahang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na magpakasal base sa mga sagot ni Vic Sotto sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Inamin ni Bossing na kinausap na siya ng binata niya na balak na nga raw nila pero hindi pa niya masabi kung kailan.

Wala pa raw detalyeng maibigay si Bossing, na mas mabuting hintayin na lang daw magsalita ang magkasintahan kung kailan na talaga. Napag-usapan na nga raw nila ni Dina Bonnevie ‘yun at tanggap naman nila ang desisyon ng magkasintahan.

Nu’ng ikinasal si Danica Sotto, sinabi pa naman ni Dina na tama na muna si Danica, huwag daw muna si Oyo Boy at hindi pa niya kayang may isa pa siyang anak na ikakasal.

Pero mukhang seryoso na ang dalawa sa kanilang mga plano kaya hintayin na lang natin ang kanilang announcement.

Tumatanggi pang magsalita si Oyo Boy dahil wala pa naman daw final details sa planong iyan. Pero sabi naman ni Bossing, kundi late this year, baka early next year.

Hintayin na lang natin ‘yan!

ABALA NGAYON ANG magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa promo ng pelikula nilang You To Me Are Everything kaya ayaw na nilang pansinin ang mga negatibong publicity na hindi naman nakatutulong sa pelikula nila.

Ewan ko ba naman kung bakit pinagpilitan nila ‘yang isyung may anak si Marian noon, eh wala naman silang mailabas na pruweba.

Nu’ng naglabas si Cristy Fermin ng isyung may anak si Aubrey Miles at itinatanggi pa nitong huli, naglabas sila ng litrato ng bata at maraming malalapit na kaibigan ng seksing aktres na totoo ‘yun, pero hindi lang inilalabas dahil kasikatan pa niya noon.

Hanggang sa ngayon, umamin na dahil nasa tamang panahon na at meron na rin itong anak kay Troy Montero.

Pero itong kay Marian, galing sa mga taong hindi mo matiyak ang kredibilidad at kung sinu-sino na ang nakisawsaw sa isyung iyan.

Si Dingdong nga ang nangunguna sa pagtatanggol dahil alam niya ang totoo at mas matindi pa ang reaksyon niya kesa kay Marian.

Kung sakaling totoo man ito, eh ano ngayon? Narating na ni Marian ang gusto niyang marating sa kanyang career at isa na nga sa concern niya ngayon ay ang future nila ni Dingdong na baka mauwi nga sa kasalan.

Sa kabilang banda, nakaka-flatter lang sa panig ni Marian dahil pinagkakaabalahan pa pala siyang siraan ng mga detractors niya at pilit na hinahatak pababa.

Ito namang si Swarding, nag-react pa na gusto pang palabasing naging patas lang daw siya sa pagbalita dahil may nagparating lang naman daw sa kanya niyan.

Sinabi pang hindi naman daw siya naniniwala kaya nga nagtatanong siya. Isang malaking ‘Hello’ naman ‘yan Swarding!

Hindi ka pala naniniwala, bakit mo pa inilabas? ‘Di ba dapat hindi naman lahat ng ipinararating sa ‘yo, hindi pinapatulan?

Ang mga ganu’ng maselang balita, dapat kinukumpirma muna o kunin ang side ng taong binabalita mo. Hindi basta-bastang pinapatulan at meron pang kakabit na pang-aalipusta.

At paano mo sasabihin Swarding na hindi ka naniniwala, eh kahit sa text kinakalat mo pa. Pati nga kay Shalala ng Walang Tulugan, ipinarating mo! Iyan ay obvious na paninira sa kapwa mo! Hay naku! Bakit ko ba pinagpapatulan ang baklang ‘to! Eh, alam naman ng karamihan ang tunay na kulay nito. Kapitbahay ko naman siya sa column, kaya hayaan ko na nga!

MAY MGA IBANG nagku-komento na nagsu-solo raw si Mike Defensor sa pangangampanya niya at hindi dinadala si Aiko Melendez na vice-mayor niya.

In fairness talaga kay Mike, hindi totoo ‘yun. Kung taga-QC kayo, nakikita n’yo naman ang mga nakapaskel na billboard at tarpaulin nito katabi si Aiko.

Nu’ng minsan ngang ipinakilala ni Mike sa amin ang mga anak niya, nakatutuwa dahil marunong na rin pala silang mag-speech sa mga kampanya.

May mga ibang rally na ‘di kaya ng schedule ni Mike, itong mga bagets nila ang pumupunta at sila ang nagsasalita para humingi ng paumanhin na ‘di makararating ang Daddy nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleParazzi Chikka: ‘Wag n’yo nang hintaying bumirit ng galit si Sarah!
Next articleJennylyn Mercado at Dennis Trillo, bagong Denial Queen at King!

No posts to display