Vic Sotto at Dina Bonnevie, pangarap ng mga anak na sila pa rin sa bandang huli!

HINDI NA bago sa dating mag-asawang Dina Bonnevie at Vic Sotto na malaman at madinig ang patuloy na pag-asam ng kanilang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, na baka raw pagdating ng panahon, sa dulo ng mga pangyayari ay ang kanila pa ring mga magulang ang muling magkakabalikan para magkasama sa kanilang katandaan. Iyon naman kasi lagi ang ipinaparamdam ng magkapatid, at iyon din ang kanilang sinasabi sa kanilang mga kaanak.

Bilang mga magulang, hindi na lang nagsasalita sina Dina at Vic, dahil hindi nila kailanman puwedeng alisin kina Danica at Oyo ang karapatang iyon. Na patuloy silang umasa para sa isang buo at masayang pamilya. Ang magkapatid ang unang apektado sa hiwalayang naganap sa kanilang dalawa. Kapag ganu’n ang kuwentong nakakarating kina Dina at Vic mula sa kanilang mga kapamilya, nagkikibit-balikat na lang ang dating mag-asawa. Malungkot para sa kanila na madinig ang gano’n, dahil mababait ang kanilang anak.

Nalulungkot kasi sina Danica at Oyo, dahil pagkatapos na maghiwalay ang kanilang mga magulang at magkaroon din ng magkakakaibang pakikipagrelasyon ay bumabalik din naman daw pareho sina Dina at Vic sa pakikipaghiwalay sa mga nakakarelasyon. May mga asawa’t anak na silang magkapatid. Lolo’t lola na raw ang kanilang mga magulang, kaya hindi mawala kina Danica at Oyo ang pangamba na pagdating ng katandaan nina Dina at Vic ay maging masaya talaga sila.

 

SOBRANG NEGATIBO para kay Carla Abellana ang paglutang ng usapan na diumano’y mayroon siyang plano na lumipat ng ibang network. Pagkatapos siyang batuhin ng intrigang wala siyang utang na loob sa GMA-7 kapag ginawa iyon, pinagbibintangan siya ngayon na baka kaya lang may kumakalat na usapan tungkol sa lipatan ay dahil nagpapahabol siya sa Siyete, kasama na rin umano siyempre ang pagpapataas ng kanyang talent fee.

Kinakalampag ng mga tanong ang mga taga-loob ng ABS-CBN kung mayroon ba silang offer kay Carla para maging Kapamilya star. Pero wala namang nagsasalita mula sa Dos kung talagang interesado sila sa magandang anak ni Rey “PJ” Abellana. Kaya ang nagiging dating tuloy, parang nagmamadali ang kampo ni Carla na masigurado ang lalo pang ikagaganda ng takbo ng kanyang showbiz career, dahil hindi naman siya napapabayaan sa bakuran ng Kapuso Network.

Hindi nababakante si Carla sa Siyete. Hindi na siya bagets, pero napasikat siya ng network, dahil bukod sa maganda siya ay magaling din naman siyang umarte. Ipinagtataka kung bakit inililihim ng ibang artista ang kanilang paglipat ng istasyon, pero sa kampo ni Carla ay may ganitong usapan. Kaya napagbibintangan siyang gumigimik lang. Samantalang isa rin daw sa magandang dahilan para manatili siya sa kanyang home studio ay dahil naroon at magkasama sila ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Vic Sotto at Dina Bonnevie, pangarap ng mga anak na sila pa rin sa bandang huli!

  1. antipatika itong carla abellana na toh! pinapalabas nya sa mga interviews nyang may offer sa kanya ang abs pero ayun sa mga reports, walang offer ang abs sa feelingerang carla na yan. hindi na kailan ng abs ng isang kulang sa star appeal na carla na yan kasi marami nang mas magagaling na artista gaya nina bea, angel, anne, kim at iba pa!

  2. dapat nga talagang si vic at si dina ay magkanbalikan para mas masaya bgay naman tlaga sila kaya go go go dina and vic…hanggang maaga tumatanda na jkyo…

  3. Pingback: Vic Sotto at Dina Bonnevie, pangarap ng mga anak na sila pa rin sa bandang huli! - Vic Sotto 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.