Vic Siman, Kumpirmadong Sangkot sa Jueteng

KUMPIRMADONG SANGKOT sa ilegal na sugal na Jueteng ang isa sa mga nasawi sa umano’y shootout sa Atimonan, Quezon noong Linggo.

Ayon kay retired Lingayen-Dagupan Archbishop at Jueteng whistleblower na si Oscar Cruz na sangkot nga sa illegal numbers game si Victorino “Vic Siman” Atienza, Jr. Gayunman, hindi siya kinikilala bilang “supremo” o utak ng Jueteng sa nasabing lugar.

“Opo, involved po ‘yan. Pero hindi po namin ni-lilista lahat kung sinu-sino lang. Ang nakalista po sa amin talaga ay ‘yung mga Jueteng operator at mga Jueteng lord,” ani Cruz.

Gaya ni Atienza, sangkot din umano sa Jueteng ang isa pang namatay na si Tirso Lonto,c Jr., na isang environmentalist sa Quezon.

Nababanggit din aniya ang pangalan ni Supt. Hansel Marantan sa Jueteng ngunit hindi pa ito ganoon kaingay tulad ng ibang malalaking operator.

Samantala, kung hierarchy naman ang pag-uusapan, nasa “third or fourth” ang estado ni Atienza, ani pa rin ng Obispo.

Posibleng sina Atienza ay tauhan lang ng malalaking Jueteng lord sa Laguna at Batangas, ayon pa rin kay Cruz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.