Vhong, pormal na nanumpa vs Deniece, Cedric, atbp

TINIYAK NI Vhong Navarro na tuloy ang kanyang laban para mabigyan ng hustisya ang sinapit sa na pambubugbog sa kaniya ng grupo ni Cedric Lee noong gabi ng Enero 22 sa condominium unit ni Deniece Cornejo sa Taguig City.

Base sa pagharap ng TV Host-Actor sa media sa kanyang pagdulog sa Department of Justice (DoJ), sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Alma Mallonga na hindi naging biro ang nangyari sa buhay ng kanyang kliyente.

Ito ay kasabay ng pagtungo ng aktor sa DoJ para panumpaan ang kanyang salaysay matapos ang isinagawang interogasyon ng NBI kamakailan matapos ang naganap na isidente sa condo ni Cornejo.

Nabatid na ang affidavit ni Navarro na may petsang Pebrero 4, 2014.

Samantala, nakasuot ng eyeglass si Navarro at naka-long sleeve.

Wala na ring plaster ang kanyang ilong na una nang isinailalim sa operasyon at unti-unti na ring naghihilom ang blackeye sa dalawa niyang mata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.