Vhong Navarro, suportado ng buong showbiz industry

Vhong-NavarroINOPERAHAN NA si Vhong Navarro nu’ng kamakalawa ng gabi at hindi pa ako nasagot ni Direk Chito Roño kung okay na ba ang kalagayan niya. Hindi pa sumasagot sa text ko, na tingin ko okay naman si Vhong.

Kailangan daw kasing operahan ang ilong nito dahil nabasag talaga at hindi na raw makalabas doon ang fluid.

Sabi nga ni Chito, medyo matatagalan ang pagpapagaling ni Vhong. Pero suportado naman ito ng ABS-CBN 2 at ilang kaibigang taga-showbiz na tumutulong sa aktor.

Malaking bagay itong pagbunyag ni Vhong kung sino ang bumugbog sa kanya dahil ang dami tuloy naglabasang kuwento na ginawa rin nitong si Cedric Lee. ‘Di ba siya rin ‘yung na-involve sa bugbugan nu’n kay David Buenavacks, at nanirahan na lang sila sa Amerika sa takot sa kanila.

Powerful nga yata itong dating dyowa ni Vina Morales, kaya siguro hindi agad inilabas ni Vhong dahil kailangang tiyakin muna niya ang seguridad ng pamilya niya. Nasa isang safe na lugar na yata ang dalawang anak ni Vhong kaya inilabas na niya ito.

Lumabas na rin ‘yung mga involved na si Cedric at ang babaeng dahilan ng naturang gulo na si Deniece Cornejo.

Nagsalita sila ni Cedric at pinanindigan ang una nilang pahayag na talagang in-attempt siyang i-rape ni Vhong.

Hay, naku! Kung ibang artista ang na-involve diyan gaya ng ilang mga artistang laging nai-involve sa gulo, puwede tayong maniwala. Pero si Vhong pa ang akusahan nila nang ganu’n. Ang dami kayang naghahabol na babae kay Vhong kaya parang hindi talaga kapani-paniwala. Meron pa silang anggulong drugs na hindi rin pinapaniwalaan ng mga tao.

Kaya suportado ng buong movie at TV industry ang actor/TV host sa ipinaglalaban niya. Bukas nga raw ay may pamisa sa kanya at inaasahang dadaluhan ito ng mga taga-industriya bilang suporta sa kanya.

Sabi nga ni Madam Charo Santos, labas daw dito ang network war. Dapat daw lahat ay sumali dahil puwede rin itong mangyari sa ibang artista ng ibang istasyon.

Dapat ipakita raw na nagkakaisa ang buong industriya sa pagsuporta kay Vhong para makita nilang hindi nila puwedeng ganun-ganunin na lang ang mga taga-showbiz, ‘no!

Malapit na yatang maayos ang lahat na mga detalye ng kasong isasampa. Kaya sabi ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, kapag naayos na nila lahat, magsasampa sila ng patung-patong na kaso laban sa mga gumawa nito sa kanya. Pati si Deniece ay kakasuhan din daw niya. Alam ko kahapon na sila nag-file ng kaso.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong ito, kaya patuloy pa rin natin ‘tong subaybayan kasi kapag makalimutan na ito at hindi na pinag-uusapan, baka magtrabaho ang mga kalaban at kung ano pa ang gawin kay Vhong.

Naku, ha? Napag-usapan tuloy namin sa isang lunch kasama sina Manay Ichu Maceda, Madam Charo Santos at ilan pang mga top brass sa showbiz na parang bumabalik daw ang Big Four nu’ng araw na walang ginawa kundi awayin, takutin o i-harass, i-bully ang mga taga-showbiz.

Kasi hindi lang si Vhong ang nagawan nitong grupo nina Cedric Lee kundi may ilan pa, gaya ni David Buenavacks at sila rin daw ang nag-extort dati kay Hayden Kho na ilalabas ang sex video kung hindi siya magbigay ng apat na milyong piso ba ‘yun? Kaya kilala na ‘to sila sa showbiz.

Nu’ng panahong ng Big Four, sina FPJ at dating pangulong Manila Mayor Joseph Estrada ang kumalaban sa kanila.

Naku! Bumabalik na ba ang ganitong grupo para takutin at i-bully ang mga taga-showbiz? Kaya dapat na magkakaisa talaga ang mga taga-showhiz para hindi sila basta-basta maapi.

Abangan n’yo sa Startalk sa Linggo ang buong detalye ng gulong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Vhong Navarro, suportado ng buong showbiz industry

  1. May nabasa rin akong nagsabi na ang BIR daw ay nagsimula nang tutukan ang mga taxes na binabayad nitong si Cedric or kung nagbayad nga ba talaga at gagawa raw ng embestigasyon itong BIR sa mga income at businesses ni Cedric kung nag file ba ito ng taxes or not. Oh my gulay, ibang kaso na naman ito. Kaya if you are an employee of the BIR, please take note of this post and please pass this on to your supervisors. Kailangan paembestigahan ang Cedric na ito kung saan galling ang kayaman niya. Baka connected ito ni Chavit Singson dahil may nagsabi na si Chavit daw ang the actual na nag rent ng condo na yan. Totoo ba ito? Anybody knows? Di ba si Delfin Lee, yong ama ni Divine Lee, biglang nawala na rin? Did he embezzle money too? How is Cedric related to Delfin Lee. Anybody knows? this is getting interesting.

  2. At sa google search ko, lumabas rin na may pending case daw itong si Vina against Cedric for Republic Act 9262 which is anti-violence against women and children. May nabasa rin ako na parang si Chavit Singson daw ang may ari ng condo na yan kung saan nangyayari itong bugbugan. Totoo ba ito? Dami palang mga kuha sa CCTV na nagpatunay na totoo yong mga pinagsasabi ni Vong according to the FBI raw like yong lapse of times of arrival and departure etc. At parang a ang dami yata ng kaso na harapin nitong kaso ng pokpok at leader ng goon na ito like SERIOUS illegal detention (100% proven), Grave threats (100% proven), Grave Coercion (must be proven), Blackmail (must be proven) and SERIOUS PHYSICAL INJURIES (100% proven). Granting Cedric and Deniece can get away from the other 2 cases but they will also face the other 3 which have 100 percent evidence, (black and blue bruises) and they detained him and not informing the security guards about it. Sure winner itong mga cases na 100% proven lalo nat sinabi na ng yong CCTV footage klaron na hindi pala nagsinungaling si Vong. I’m glad a lot are backin up Vong including Jinggoy. This kind of abuse by these goons has to stop baka maka apekto pa ito sa tourism income ng Pinas. Ginawa nga yan sa mga may pangalan na mga artista, how much more dun sa mga foreigners na walang mga kapit dun sa Pinas. Go go go, justice for Vong.

  3. Alam mo Lolita for once tama ka. At ang masa lalo na sa internet ay di lang galling sa pilipinas kundi sa buong mundo. Di naman tanga ang mga Pilipino. Di consistent and kwento nang Cedric na yan. Kakagigil talaga akala mo kung sino syang Godfather. Sana talaga makulong na sya di lang dahil kay vhong kundi sa iba pang sinira niya.

  4. ngayon lang kita napuri lolit dahil naunawaan mo ang predicament ni vhong hindi tulad nung ibang mabababaw ang utak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.