Vhong Navarro, pinuri ni David Bunevacz sa lakas ng loob

David-Benevacz-Vhong-NavarroNAGLABAS NA rin pala ng statement si David Bunevacz kaugnay sa isyung pambubugbog sa kanya ni Cedric Lee at ng grupo nito.

Napatawad na raw niya si Cedric sa ginawa sa kanya, pero nagpapasalamat din siya kay Vhong Navarro na naging matapang itong inilabas ang lahat at ibinunyag na si Cedric ang may kagagawan.

Siyempre powerful itong Cedric kaya natakot si David at ang buong pamilya niya kaya nag-Amerika na lang sila. Kaya pinuri nila si Vhong sa paglabas ng buong katotohanan.

Sa totoo lang, natatakot din si Vhong, pero marami naman ang sumusuporta sa kanya at binibigyan siya ng assurance na tutulungan siyang maging normal ang takbo ng buhay niya sa kabila ng mga threats na dumarating sa kanya.

Sa ngayon, mainit pa itong pinag-uusapan, pero lumamig na ito, dapat talagang mag-ingat si Vhong at bantayan niya ang kanyang mga anak at ang buong pamilya.

Tingnan na lang natin kung saan tutuloy ang kuwentong ito at kung uusad ang mga kasong isinampa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Vhong Navarro, pinuri ni David Bunevacz sa lakas ng loob

  1. Mas magaling ang mga abogado ni vhong. “LET THEM DESTROY THEMSELVES” ang tactics.. napanood ko kanina sa star talk yung interview ni deniece, ey naku sa pananalita pa lang waley, walang ka class class! Kala ko paan din asa level sya ng mga elite. Nakakatawa nga sya eh, panay ang kumpas ng kamay, parang makata makapag salita. Mukhang hindi interisado sina manay lolit at pareng joey sa kanya kaya di sila ang nag interview aa kanya. Si heart at butch at mejo mild lang ang flow ng interview kasi kahit ano pa itanong sa girl na yan doubtful na ang mga tao jan. Buti pa si manay binisita na nya si vhong at makikitang sincere tlga sya kay vhong. Haaay san matapos na itong kaso at mhusgahan na ang mga nagkasala

Leave a Reply

Your email address will not be published.