Vhong Navarro, para nang dramatic actor

Vhong-NavarroHINDI NAMAN puwedeng huminto na lang muna si Vhong Navarro sa kanyang pag-aartista nang dahil lang sa pinagdaanan niyang iskandalo nitong mga huling buwan, kung saan nabugbog nga siya sa condo na tinutuluyan ni Deniece Cornejo.

Ang isa sa mga naunang plano ay magpapahinga muna si Vhong para makalimot sa mga naranasang iyon, kung saan hanggang ngayon ay kaladkad pa rin ang kanyang pangalan lagi sa mga balita tungkol sa patuloy na pag-aakusa sa kanya ng rape.

Kaya nga napapanahon din ang pagpapalabas ng bagong pelikula ni Vhong, ang Da Possesed dahil sobrang kinasasabikan na rin siya ng kanyang mga fans na mapanood sa pelikula.

Para kay Vhong ay isa na ring regalo ang nasabing pelikula para sa kanyang mga tagahanga at taong nagmamahal sa kanya, para maiparamdam niyang tuloy pa rin ang buhay.

“Para ito sa mga taong nagpalakas ng loob ko sa panahong down na down ako noon sa hospital, at ipinaparating nila sa akin ang kanilang mga salita at dasal na gumaling agad ako, at heto na nga,” wika ni Vhong.

Kilala naman sa showbiz na si Vhong ay mabait na komedyante. Pero nakatutuwa ‘yung kuwento na pagkatapos niyang lumabas sa hospital, para na siyang dramatic actor kapag may mga taong lumalapit at tapik lang sa kanyang balikat ay alam na niya ang kahulugan ng pagdamay.

“Masikip sa dibdib na hindi mo maipaliwanag, pero sobrang napapaiyak talaga ako sa pag-iisa ko kapag naiisip ko iyon,” banggit pa ni Vhong.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.