Vhong Navarro, papalit kay Willie Revillame sa Wowowee?!

ONE FOR THE record ang binyag at kumpil ni Charice Pempengco last Sunday na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Pasig City. Dalawampu’t tatlong pares ang ninong at ninang ng paboritong Asian singer ni Oprah Winfrey. Ilan sa mga ito ang ABS-CBN bosses na sina Gabby Lopez at Charo Santos; Boy Abunda at Kris Aquino, ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola.

Nasa listahan din ang media mogul na si Oprah, pero hindi ito nakarating. May TV crew lang na ipinadala rito para i-cover ang event na malamang ay mapapanood sa show na Oprah. Hindi rin nakarating ang manager ni Charice na si David Foster, pero may proxy ito.

Dating Iglesia ni Cristo ang pamilya ni Charice dahil na rin sa ama nila na miyembro nito. Pero nang maghiwalay ang mga magulang niya, napagdesisyunan ng ina niyang si Raquel na magpa-convert uli sila sa Katoliko. Pero hindi rin daw naging madali ‘yon noon sa kakulangan ng panggastos, sabi pa ng nanay ni Charice.

Ang ating kababayan ang kauna-unahang Pinoy artist na nakapasok sa prestihiyosong Billboard music chart. Sa kasalukuyan, patuloy na umaakyat sa chart ang kanyang international dance single na ‘Pyramid’.

MANANATILING TAHIMIK ANG Kapamilya network hinggil sa isyu kay Willie Revillame hangga’t hindi raw nakakausap ng top executives ng TV network ang host ng Wowowee. Wala pa ring official statement na inilalabas ang istasyon sa apela ni Willie na i-release na siya as talent ng network. May nakatakda raw meeting sa pagitan ng dalawang kampo, na ayon pa kay Bong Osorio (head ng corporate PR ng Dos), na mas maaayos ang isyung ito sa isang closed-door meeting.

Marami nang ispekulasyon kung sino ang ipapalit sa puwestong iiwan ni Willie kung saka-sakali. Isa raw si Vhong Navarro na ikinu-consider. Isa namang close kay Edu Manzano, na connected sa Wowowee, ang nagsabing may pahiwatig sa kanya ang TV host-actor na ‘magkikita’ silang muli.

Ayon naman sa abogado ni Willie, legal-wise, mas makabubuting tapusin na lang ng TV host ang kontrata niya sa ABS-CBN na tatakbo pa ng isang taon at kalahati, para walang maging kumplikasyon. Pero kung isinasaalang-alang na nga ni Willie ang kanyang kalusugan, dapat na nga raw nitong iwanan ang TV show.

“KANINO KAYA RELATED kina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ang batang ipinapasyal nila sa isang sosyal na mall last week?” tanong ng kaibigan namin na nakakita sa dalawa. Masaya raw ang tatlo, pero pansin ng friend namin, laging nauunang maglakad si Oyo kasama ang bata. Nasa likuran lang si Kristine na sumusunod daw sa dalawa.

Baka pamangkin ‘yon ni Oyo sa kapatid niyang si Danica, sabi na lang namin sa aming kaibigan.

“Siguro nga,” tugon niya. “Para kasing medyo hawig sa kanya, e,” pahabol pa niya.

Bore Me
by Erik Borromeo

Related Post

loading...

10 thoughts on “Vhong Navarro, papalit kay Willie Revillame sa Wowowee?!

  1. Kahit sino ang ipapalit basta wag ng ibalik si Willie. Lumaki na masyado ang ulo nya. Nakalimutan nyang galing sya sa wala at may tumulong lang sa kanya n malaking tao sa showbiz industry kaya sya nagkaroon ng show ulit.

  2. WALANG K SI EDU AT HINDI BAGAY NA MAG HOST NANG WOWOWEE. SIKAT LANG SI VHONG NGAYON DAHIL SA SHOWTIME NA SUMIKAT LANG NAMAN DAHIL SA MGA CONTESTANTS AT KAY VICE GANDA. SANA SI ROBIN NA LANG. MAG GUEST HOST MUNA SI JOHN LLOYD, CESAR MONTANO O SI LUIS MANZANO HABANG TINATAPOS NI ROBIN ANG PELIKULA NILA NI TONI GONZAGA AT NANG ISA PANG MOVIE NA PARANG SI VINA MORALES ANG LEADING LADY. PAGKATAPOS, BALIK SIYA SA WOWOWEE. ABS-CBN NEEDS TO WORKOUT ROBIN’S SCHEDULE PARA MAPAGBIGYAN ANG LAHAT.

  3. Tupi ang ABS- CBN, May utang yata si willie sa biniling bahay ni Mr. Gabby Lopez, so he cannot just release willie. Miski bastusin sla, wala namang prinsipyo ang ABS, dahil pera pera lang yan.
    Baka baon sa utang ag Abs KAYA KAILANGAN NILA SI willie. at si willie naman kailangan ang ABS para matapos ang Tower nya.
    PAREHO KAYONG NAKAKAHIYA.

  4. magpapahinga lang daw ng 3mos c willie at balik uli siya sa wowowee.. pano na nyan mga pro at anti-willie pagkahahaba man ng diskusyon balik wowowee pa rin s willie..ano ang isang napatunayan dito..takaw pera ang ABS_CBN?kc wala silang pakialam khit ano man klaseng ugali ang isang talent nila basta nagaakyat ito ng malaking pera sa company nila..PERIOD!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.