Vhong Navarro, nakatakdang maka-face to face sina Cedric Lee at Deniece Cornejo

1 Vhong-NavarroDASAL NI Vhong Navarro na makulong at magdusa ang mga taong nanakit sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanayam din ng GMA News & Public Affairs reporter na si Mariz Umali si Vhong matapos manumpa sa DOJ last Thursday afternoon.

Inamin ng actor/TV host na tinanggap na lamang niyang lahat ang akusasyon ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo nang gabing iyon dahil natakot siya na baka iyon na ang katapusan niya kung lalaban pa siya.

Sa tanong kung magagawa ba niyang magpatawad? Kaagad na sagot niya, mahirap pa raw ang magpatawad sa ngayon. Nagpapasalamat siya sa Diyos na buhay pa siya pero marami pa raw ang lumalabas na mga pasa at bukol sa kanya dahil sa dinanas na bugbog.

Samantalang pinayagan ng korte na hindi mag-appear si Vhong sa preliminary investigation sa Feb.14 dahil ayaw niyang makaharap ang mga akusado. Pero sinabi rin ng korte na hindi puwedeng lagi siyang bibigyan ng nasabing privilege dahil baka raw sabihin na pinapaboran ng korte ang actor/TV host. Kaya sa Feb. 21 ay maghaharap na silang lahat sa Department of Justice (DOJ).

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Vhong Navarro, nakatakdang maka-face to face sina Cedric Lee at Deniece Cornejo

Leave a Reply

Your email address will not be published.