Vhong Navarro, nakahanap ng katapat?

1 Vhong-NavarroMAY NABASA kami na post sa facebook ng, “Kami itong nakikipagpatayan para sa Pilipinas, hindi man lang naibabalita.  Samantalang si Vhong Navarro na nabugbog lang.”

Paano mo nga ba ipaliliwanag ito? Merong isang nag-comment sa post na ‘yon na, “‘Yung mga sundalo, tungkulin talaga nilang ipagtanggol at ipagpatayan ang kapayapaan sa Pilipinas. Si Vhong ay artista at hindi naman niya tungkuling magpabugbog.”

So ano ang comment mo dito? Kasi, mahabang usapin ito, eh. Isang dosenang tasa ng kape o isang case ng beer ang kailangan dito para lang mailatag ang iyong stand.

Anyway, ‘yan ang Pinoy. Kahit sa pangangatuwiran, hindi papatalo.

 

MAY NARINIG kaming opinyon na “Nakahanap ng katapat ang kampo ni Cedric” at “Nakahanap din ng katapat si Vhong Navarro!” Maaaring sa isang banda ay may “natapakang pagkalalaki” si Vhong, kaya siya pinagbubugbog.

Maaaring nagkamali si Vhong na “umagaw ng pagmamay-ari ng iba”, pero siguro naman, hindi lang talaga namin maintindihan kumbakit kailangang bugbugin siya nang bugbugin at ba’t hindi na lang tinern-over sa pulisya si Vhong, baka pa malaki ang laban ng kampo ni Cedric.

Unfair din naman kung sa ganyang pagkakataon lang namin huhusgahan nang negatibo si Cedric. Hindi naman namin siya kilala nang personal. Actually, may nagtsika na sa amin, “Are you willing to face and interview Cedric if ever?”

Sabi namin, “Oo naman. Ba’t naman hindi? We have some common friends na ipinakikilala rin sa amin si Cedric bilang, “‘Yan, grabe makipagkaibigan. ‘Pag inaapi ang kaibigan niya, siya ang unang-unang dumedepensa. Ganyan siya makipagkaibigan.”

Actually, gusto namin siyang ma-meet para naman marinig ang kanyang panig. An’dami naming naririnig na kuwento tungkol kay Cedric, pero hindi naman basta para paniwalaan ito.

 

SI VHONG Navarro ay malapit sa puso namin, dahil kumpare namin ‘yan at inaanak din namin ang kanyang panganay na anak. ‘Yung bugbog-sarado siya, du’n kami nakisimpatya sa kanya, dahil hindi naman bayolenteng tao si Vhong para umani siya ng pasa sa mukha at bali sa katawan.

Sana, napag-usapan na lang nang lalaki sa lalaki o ‘di kaya ay dinala na lang siya sa presinto. ‘Yung version ni Vhong ng extortion ay may version din ang kabilang kampo, “Vhong is a good negotiator, dahil siya ang nagsasabi kung hanggang magkano ang kaya niya.”

Magkakaibang version pero nagsisimula pa lamang ito. At sana nga, matapos na nang matiwasay.

Juice ko, sana nga.

 

NAGTATAKA LANG ang ibang commenter sa FB kumbakit hindi man lang sumusulpot (kahit hindi magsalita) ang parents nitong si Deniece Millet Cornejo. Talagang siya lang, si Cedric Lee at ang ate nitong si Bernice Lee ang humaharap. Wala lang, parang very unusual.

Kasi nga naman, tinangkang gahasain ang anak mo, sana man lang, nasa tabi niya ang parents niya para bigyan siya ng moral support, pero wala nga sa picture. Bakit kaya?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Vhong Navarro, nakahanap ng katapat?

  1. ang komento ko ay hindi patungkol kay Vhong or kung sino mang sangkot dito.. ang komento ko at patungkol kay Ogie na lagi na lang nagsabi na “amin”, “namin”, or “kami”.. 10 ba silang sumusulat ng artikulo nya? may mga kakambal sya na di natin alam, or may mga katabi sya na di natin nakikita.. Tuwi na lang susulat hindi na lang sya ang idamay nya, lagi na lang may kasamang iba.. ano to kaduwagan…

  2. mga hunghang, walang pag-uusapan kung di sobrang libog ni vhong. tsaka grabe daming sinasalvage, tsina-chopchop, namamatay sa giyera, dami pa ring walang matirhan at makain ng yolanda victims, tapos eto porke artista kuha lahat ng atensyon. hay mga pinoy nga naman pag dating sa celebrities kina-career na. kahit saan tignan, lahat ng involved may kasalanan, wag kayong bias porke kilalang artista kakampihan nyo na. kung walang etits na nanigas, walang bugbugan.

  3. Yong isinampang kaso against Cedri and his goons na SERIOUS PHYSICAL INJURIES AND SERIOUS ILLEGAL DETENTION ARE BOTH a sure winner dahil sa given na may evidensya talaga na magpapatunay nyan. Pero yong grave threats, grave coercion at blackmail ang parang e prove sa side nina Cedric but either way, Cedric and his goons are already losing the battle of serious physical injury and serious llegal detention. When it comes to their allegation about Vong’s rape advances to Deniece, it has still to be proven. Also manawagan tayo sa BIR, na kailangan rin paembestegahan nila kung saan galing ang mga kayaman itong si Cedric and his goons at kung nagbayad ba ito ng tamang buhis ever…….. Kung may illegal ito na income at hindi nagbayad ng tamang buhis, another headache na naman ito ni Cedric. I’m sure Cedric is scared now kasi maski nagkasala si Vong sa girlfriend nito, pero lumabas pa rin na naging black and blue ang mukha ni Vong kaya Cedric is going to spend millions now for his legal defense. At lalo na’t may history ito na nasangkot pala ito sa bugbugan in the past with David Bunevacz at may pending case daw rin itong si Vina against Cedric for the Republic Act 9262 which is anti-violence against women and children. Kaya parang history repeats itself eka nga. Haaayyyy ang mga lawyers na naman ang yumaman nito.

  4. nyhahahahah bakit sina Cedric at Daniece lang,,,,hindi ba dapat kasama diyan si BugVhong,,,hahaha ta bakit siya nabugbog,,,,,,,ANG TAONG MALIBOG. MADALAS MABUGBOG hahahahha aral na sa kanya yan,,,,,ma GF na siya, may mga anak,,,,,kakahita nga,,,nabugbog dahil sa ibang babae. ok lang sana kung makipag basagan siya ng mukha niya,,sa GF niya kaso sa ibang babae,,,,,hahahha

  5. dapat dito kina cedric at deniece kastiguhin para umanin…wala dapat pera-pera… kapal ng mukha ng dalawang yan!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.