Vhong Navarro, nahihiya pa ring lumabas

Vhong-NavarroVhong-NavarroNGAYONG ARAW pala ang pagpapatuloy ng preliminiary investigation ng mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at mga kasamahan nito.

Pero hindi pa rin daw sisipot si Vhong dahil hindi naman siya kailangan.

Ayon sa abogado niyang si Atty. Alma Mallonga, ang kampo raw nina Deniece ang dapat na maglabas ng iba pang kinasuhan na sina JP Calma at Jed Hernandez ba ‘yun?

Pero hindi natin alam kung ano na naman ang statements ng kampo nila dahil sabi nga ni Atty. Mallonga, obvious na pinapa-delay lang nila ang proseso ng kaso.

Kaya lang, purisigido sina Vhong sa kasong ito kaya maingay si Atty. Mallonga sa pagsasalita para malaman ng kalaban na hindi nila ito hahayaan na i-delay.

Ang latest nga na nabalitaan ko, kakasuhan ni Vhong si Deniece ng Perjury at Libel dahil sa paiba-ibang statements nito at kung anu-ano pa ang mga pinagsasabi.

Pati nga itong Roxanne Acosta na nagsampa ng Rape case din kay Vhong ay paiba-iba rin ng statements. Hindi kaya dapat kasuhan din ito ni Vhong?

Basta ang hinihintay ko na lang ay ang paglabas ni VHong dahil gusto na raw nitong bumalik sa trabaho. Nahihiya lang siya dahil nandiyan pa rin ang blackeye niya at siyempre, dapat secured siya dahil alam naman natin kung gaano ka-powerful ang kalaban.

Tingnan na lang natin mamaya kung isa-submit na for resolution itong mga isinampang kaso ni Vhong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Vhong Navarro, nahihiya pa ring lumabas

    • Gusto mo ikaw pabugbog sarado hanggang muntik ka ng mamatay, tapos magkaron ka pa death threat at akusahan ng kung anu ano pa paratang, tingnan natin kung maging malakas pa loob mo kaagad na harapin mga gumawa sa’yo ng ganung bagay. adik!!! lahat ng tao may libog sa katawan!!!

  1. alam mo vhong hindi mo kailangan mahiya sa iyong sarili kagaya ng block eye sa mata mo.ang gustong malaman ng mga tao ang buong katotohanan wag kang mahiya nandito kami para suportahan ka namin upang sa ganon manaig ang katotohanan kaysa sa kasinungalingan ng kalaban mo.just always pray the lord.the truth is always win.

    • TSK TSK TSK..PAAWA EPEK NA NAMAN..ULOL MANYAKIS KA..LAHAT NGA TAU MAY LIBOG SA KATAWAN PERON DAPAT MAY LIMITASYON HINDI LAHAT NG SOBRA NAKAKATUWA..

Leave a Reply

Your email address will not be published.