Vhong Navarro, nabugbog na naman

Vhong-NavarroMERON PALANG bugbugan scene sa latest movie ni Vhong Navarro, ang Da Possessed.

“Dapat kasi, ang gusto ni direk (Joyce Bernal) ay makunan na sana agad-agad (ang bugbugan) kasi para makumpleto ‘yung isang eksena. Medyo roon kami natagalan. Hangga’t maaari ‘yun muna ang huhulihin naming kunan,” rebelasyon ni Vhong sa media.

Sinabi niyang hindi siya gaanong nagpapaapekto sa eksena. Hindi naman daw nag-flashback sa kanya ang nangyari sa kanya sa totoong buhay.

“‘Di ba ‘pag rumurolyo na ang camera dapat gawin mo na ‘yung character mo, so labas na tayo sa kung ano ‘yung character ko sa totoong buhay. Mas gagampanan ko ‘yung character ko sa pelikula. Hindi ko po inisip ‘yon, basta ang inisip ko ay kung ano ‘yung eksena ko sa ngayon.”

Hindi rin siya worried na baka ma-mishandle  ang mauling scene.

“Hindi po (ako natatakot na gawin ang eksena). May tiwala ako sa mga kaeksena ko. Si Tsong po (Joey Marquez) ang kaeksena ko. May tiwala po ako sa kanila,” he said.

Sa mga ganoong eksena, naka-focus lang ang komedyante.

“‘Pag ganoong mga bagay ay iniiwas kong isipin ang nakaraan kasi mas gusto kong mag-focus dito kasi iniiwas ko ‘yung trauma, eh. Hindi pa rin nawawala ang trauma,” he shared. “Nandoon pa rin ang trauma. Kaya lang po rito sa ginagawa ko ay trabaho po ito so mas gusto kong maging professional kaysa isipin ko ‘yung trauma.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.