Vhong Navarro, in-love sa isang non-showbiz girl! – Ogie Diaz

CONGRATS KAY VHONG Navarro. Dahil bukod sa toprater ang Showtime ay birthday pa niya kahapon. At dahil birthday niya kahapon, congrats din, dahil after 8 months of being loveless, “loveful” naman siya ngayon.

Me ganu’ng word ba? “Loveful” talaga? Hehehe. Eh, kasi nga, matapos ang pakikiparelasyon kay Desiree del Valle, eh, in-love (‘yan ang tama!) na naman ang lolo. Kanino?

Well, sa isang non-showbiz girl na hindi na namin alam ang pangalan.

Pasensiya na, hindi na namin inalam, dahil baka malaman n’yo pa, eh, malalaman ni Vhong kung kanino n’yo nalaman, ‘di ba?

KUNG PUWEDE NANG hatakin ni Paolo Contis ang panahon para manganak na si Lian Paz at maging tatay na siya ay gagawin na niya ngayon, dahil super duper excited na ang bruho na ma-sight ang kanyang first baby na papangalanan niyang Xonia.

(Parang Xonia, ako ang iyong kunsensiya, ‘no? Hahaha! Ayaw ng dating commercial ng Safeguard ng ganyan!)

Ipinakita na rin sa amin ni Paolo ang hitsura ng anak nila ni Lian sa kanyang phone. Kinunan niya ang monitor ng ultrasound at juice ko po, katangos ng ilong ng bagets.

Baka ma-shock pa kami kung pangong lalabas, eh, pareho namang matangos ag ilong nila ni Lian.

Bibili nga si Paolo ng malaking van para kasya sila at makakilos na rin, dahil ang balak ng lolo n’yo, eh, dalhin-dalhin niya sa kanyang taping ang kanyang bagets. Ganyan siya ka-excited.

Ipinakarga nga namin sa kanya ang aming bunsong anak na two months old pa lang (si Cory), pero juice ko, takot na takot ang damuho. Baka raw maibagsak niya. Aba’y dapat nga, magsanay na siya, dahil hindi puwedeng titig-titigan lang niya ang anak niya kapag umuuha, ‘no!

We’re so happy for Paolo. Hindi pala siya baog. Hahaha!

YES, KALUNGKOT, DAHIL one month to go na lang ang taping ng May Bukas Pa at magpapaalam na ito sa ere. Huhuhu!  Pero ganu’n talaga. Lahat naman ng bagay sa mundo, may hangganan, eh.

At least, ang May Bukas Pa ang tumagal nang isang taon, ‘no! In fairness. Sobrang ang daming natuwa, na-inspire at nabigyan ng pag-asa ng teleseryeng ito ni Santino.

Kami nga, kahit saan kami magpunta, aba, kundi “Bro” ang tawag sa amin, “Santino” o kaya ay “Ato” (name ng character namin) o kaya ay ‘yung tawag sa amin ni Arlene Muhlach, ‘yung “Sweetheart.”

Pasalamat na rin kami, dahil one year din kaming nagkatrabaho nang bonggang-bongga at malaking kabuhayan showcase na rin ang naihatid sa pamilya namin ng teleseryeng ito ni Santino.

“Sana, Ogie, magkaroon pa tayo ng susunod. Wish ko lang talaga. Kahit commercial, hahaha!” Sey nga ni Arlene.

Oo naman. Basta thank you, thank you sa management ng ABS-CBN sa tiwalang ipinagkaloob sa amin ni Arlene na siyang nagsilbing comic relief ng teleserye.

Saka sa buong staff and crew at sa mga artistang parang kapatid na namin kapag nagkikita kami sa set.

Ito ‘yung set na walang bida, walang kontrabida, lahat, magkakapamilya, kaya lagi kaming excited makita ang isa’t isa.

At aminin. Napatunayan ng mga kasama naming artista na ‘pag artista kami, artista lang kami. Hindi kami reporter. Na dapat lang naman. Kaya thank you rin sa tiwala ng mga artista sa amin.

At maraming salamat kay “Bro” sa blessing niyang ito sa aming buhay.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Eric Borromeo at Ms. F!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Vhong Navarro, in-love sa isang non-showbiz girl! – Ogie Diaz

  1. oo nga ang ganda ng tandem mo kay arlene, balance kc ang MBP iiyak kah pero pag nasa inyo tawa ka naman ng tawa.. Will miss U ATO & Baby……

  2. ATO, isa na ako sa milyong viewers ng “May Bukas Pa!” TFC subscriber ako.

    nakaka-inspire talaga manood ng seryeng ito! ang dami mapupulot na aral lalo na kapag nagsasalita na si BRO! tagos sa puso!

    there were episodes nga na talagang “krayola” ako! promised!

    sana ABS-CBN brings one more serye tulad nitong MBP na talagang kinapupulutan ng magandang ARAL! naniniwala akong marami pang ARAL at KAGANAPAN na makukuha sa BIBLE na pwedeng isadula sa tv!

    mabuhay ka ABS-CBN! tunay kayong KAPAMILYA!

  3. Ang May Bukas Pa ang bukod tanging teleserye na lumagpas ng 1 year. Di ba 3 to 6 months lang tinatagal ng teleserye.

    I think maling move ang gagawin ng ABS-CBN sakaling matatapos na ang May Bukas Pa. Dahil top rater ito. Ito lang ang nagpataob sa Totoy Bato at Darna sa ratings. Alam ko sa March ang tapos nito.

    Ung mga bagong teleserye ng Dos ay sobrang hard drama na parang bibigat ang pakiramdam mo kung ito ang panonoodin mo. Lalo ngayon tag-hirap ang mga tao gusto nila masaya at ung pwdeng ma-inspire sila.

    Commercial pa lang ng “Kung Tayo’y Magkakalayo” parang alam mo na kung san patutungo at parang gusto ko ng matapos agad.

    Kaya ang panonoodin na lang ng tao ay PBB Double-Up kasi masaya.

  4. Ato,dalas dalasin mo naman ang pagsulat d2, kasi kapag nababasa namin ang coloum mo eh natatwa kmi kahit nd nakakatawa dahil malinis ka gumawa ng balita mo nd kagaya ng iba dyan, na talagang mga mukhang pera, pls lang ha tnx, at good luck sa susunod mo na show, oh ayan ha susunod na show daw hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.