Vhong Navarro has new girl inspiration

 

MAITUTURING SI VHONG Navarro na isa sa pinakamahusay na komedyante, television host at performer ng kanyang henerasyon. Parang kailan lang when he was breakdancing his way into showbiz with his dance group Streetboys. Pero ngayon, his body of work includes variety shows (Showtime, ASAP Rocks); television series (Kokey @ Ako, I Love Betty La Fea, Mars Ravelo’s Lastikman); mga pelikula (Bulong, My Only U, Supahpapalicious, Agent X44, Gagamboy, Mr. Suave); novelty hits (Ayos Na Ang Buto-Buto, Don Romantiko, Pamela, Totoy Bibbo); at product endorsements. Kabilang siya sa grupong Kanto Boys na kinabibilangan din nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano at Billy Crawford.

Pero sa kabila ng kanyang tinatamong tagumpay sa showbiz, may masuwerte kayang babae na pinag-aalayan ngayon si Vhong ng lahat ng ito? Mukha kasing tahimik at mailap si Vhong pagdating sa usaping pag-ibig.

Nakorner ng The Buzz si Vhong during his contract signing at ABS-CBN. Larawan siya ng isang lalaking naabot na ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Hindi siyempre pinalagpas ng The Buzz ang pagkakataon na tanungin siya kung hindi ba sumasagi sa kanyang isipan na magpakasal muli. “Ayoko muna,” ang simple niyang sagot.

Bakit ganito ang kanyang naging sagot? Nagkaroon ba siya ng trauma na muling magpakasal matapos ang kanyang naging karanasan sa pagpapakasal na nauwi sa paghihiwalay nila ni Bianca Lapus? The Court of Appeals granted last July 9, 2008 the annulment of their marriage.

“Ilang taon na ba ako? 26 ako (laughs). Hindi siguro, kasi halos katatapos lang din ng annulment ko. Isang taon o dalawang taon pa lang. Gusto kong i-enjoy lang muna iyong freedom. Hindi naman ako na-trauma,” sabi niya.

Pero kahit hindi pa siya handang magpakasal muli, may shocking revelation naman siya tungkol sa kanyang lovelife. Tinanong siya ng The Buzz kung single siya nga-yon. Sagot niya, “I’m double. Hindi, may inspirasyon. Tama muna iyong [may] inspirasyon ka lang muna.”

Kung gaano kagaling bilang artista si Vhong, ganon din siya kagaling magdala ng kanyang private life. Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya na nagsisilbing inspirasyon sa kanya ngayon?

 

Kaibigan, usap tayo muli!

 

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Vhong Navarro has new girl inspiration

  1. magaling tlaga si vhong matagal ng idol ng mga kaibigan ko yan pati ako at ang mga magulang ko crush na crush sya pero ako wala akong crush sa kanya ha pogi nga daw nya sabi ng mga madlang people sa amin eh cge bye

  2. Galing nang damage control ni Boy Abunda sa image ni Robin dahil sabit ang alaga niyang si Mariel. Marami raw charities si Robin. Ha Ha HA. . .Bakit ngayon lang lumalabas ito? Dahil may bagong teleserye si Robin ? Mababa ang rating nang Amaya, pero dahil sa itatapat ang
    Guns and Roses ni Robin, siguradong tataas ang Amaya. Robin, plastik ka ring katulad ni Mariel. Ikaw at ang pamilya mo, nagbubuhat nang sarilin g bangko sa charities mo, KUNO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.