Vhong Navarro, gustong sampalin ng ina ng isang sexy dancer!

SOBRA-SOBRA NAMAN YATA ang naging “parusa” kay Paul Jake ng Pinoy Big Brother (Double Up) nitong madaling araw ng Martes. Ang dami nang naghihinakit kay Big Brother dahil gusto na yata niyang sumuko ang mayamang housemate para mabigyan ng chance ang mga poor na sila Melissa (Melai), Jason, Johan, Mariel at Tibo.

As if mortal sin na ang maging mayaman na siya ring dahilan kung bakit gusto na rin siyang palayasin ng mga binanggit na housemates. Para sa mga televiewers, ngayon lang lumabas ang tunay na ugali ng mahihirap na housemates. Akala nila, pang poor lang ang Pinoy Big Brother.

Actually, ito rin daw ang mga sinasabi ng kapwa-mayayaman nina Paul Jake sa Cebu. Ang pinangangambahan nila ay pagkakaisahan sila ng mga poor housemates na may poor ding utak ang kanilang kababayan.

Imagine, pinagsuot ng dress, wig with matching make-up si Paul Jake, eh, pinag-high heels pa, lalo’t first time at never na-imagine ng mayamang housemate na ipagagawa sa kanya ang mga iyon. Pinagsayaw, pinatakbo at pinagaya pa sa kanya ang anumang gawin ni Mariel, nang ilang minuto, huh!

Kitang-kita sa mukha ni Paul Jake ang sobrang sakit na nadarama nito sa kakaibang task na mukhang prang parusa ni Big Brother. Buti na lang at kinaya ng mayamang housemate ang task na iyon. Mahigit isang Linggo na lang naman, ngayon pa ba siya susuko? Hindi lang sa kanyang mga kababayan, pamilya at lahat ng PBB followers napatunayan niya ang kanyang sarili, kundi maging sa kanyang mga housemates. Sa ngayon kasi, siya ang pinaka-deserving na maging Big Winner.

WALA NAMANG PINAG-IBA si Vhong Navarro kay Paul Jake as far as patience as concerned.

Nakarating na sa kanya ang balita na gusto siyang sampal-sampalin ng mommy ng isang sexy dancer dahil hindi niya ito mapagbigyan na mag-guest sa mini-concert ng anak.

Nagbigay naman siya ng abiso sa manager ng sexy dancer na hindi siya makararating dahil may commitment pala si Direk Chito Roño sa isang malaking show ni Vhong sa ibang bansa kasama si John Lloyd Cruz para promo ng commercial niya for a cellphone company.

Before that, Vhong told them na kailangan talaga nilang magpaalam sa batikang direktor. Isa pa, hindi naman mismong araw ng mini-concert siya umatras, eh. May panahon pa sila to look for his replacement. Pero, nagalit ang mommy ng sexy dancer at nagbantang sasampal-sampalin siya kung hindi niya itutuloy ang pagge-guest. Can afford naman daw niyang ibili si Vhong ng round-trip ticket para makabalik agad from his manager’s commitment. As if, napakadali ng alok niya.

Hindi na lang kumibo si Vhong. Handa siyang magpasensiya. Baka ialok pa nga niya ang kanyang magkabilang pisngi sakaling totohanin itong sampalin nga siya. Natawa na lang siya nang malaman na dahil sa pangyayari, nilayasan tuloy ng sexy dancer ang kanyang manager.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

7 thoughts on “Vhong Navarro, gustong sampalin ng ina ng isang sexy dancer!

  1. AKO din I LIKE PAULJAKE :) mabait sya! at sobrang malawak ang pag iisip!! mayabang ang dating nya sa mga taong makitid ang pag iisip!! meron syang napabuting puso at karapat dapat na maging bigwinner kahit na mayaman sya!!! kc he desrve the title tlaga!!!! Go PJ Go!!Go!!! see u sa big nights pag pray ka nmen to win the big prize.

  2. i think paul jake should be in the big 4. hindi naman pahirapan ang contest na pbb. i like his attitude, he’s a cool guy. hindi ko nagustuhan ang task na binigay kay paul jake, wala na yatang mapagawa si big brother.

  3. a model for the youth..dapat si Paul Jake manalo. May wisdom thought, gentleman, and follows the golden rule of life. Madiskarte, sa loob at sa labas..see at his age, may negosyo na and so on…

  4. yucks..anong paki mo..di parusa yun..sacrifice yn and he has the choice to do it or not…binayaran ka bullshit chit ano..

  5. bleeeee…in fairness naman kay paul jake, he did the task that was asked of him. ewan ko kung ano ang sinasabi nilang mayabang. i’ve been following pbb for the last month or so. di kokilala at all si paul jake till lately pero i don’t see him mayabang. if it is the way he talks to people at kung paano siya magmando sa mga housemates di naman kayabangan yun eh. i don’t know wala pa talagang instance na nagyabang siya on what he has sa loob ng bahay ni kuya. ewan ko lang mapapaisip rin siguro ang ibang mga fans ng melason sa ginawang pang-iwan ng dalawa dun sa resbak attack nila. tapos nung binigyan ng reward ang mga housemates sila lahat ng benefit. di man lang sila na-guilty na they also got the reward kahit wala silang ginawa. they said gusto nilang mapanatili ang pagkakaibigan nila pero what did they do to their present housemates? i hope that people will vote for the one who deserves to win. wala naman talaga sa criteria na porket may pera ka outka na sa contestant. it is just a fact that paul jake is a good and maybe the best contender for now in terms of his persistence, lakas ng loob, pagiging matatag, leadership at focused talaga siya when it comes to the tasks given to him. i don’t like him before but when i saw him sa resbak attack everything changed. sorry na lang sa melason na yan. if ever manalo man sila, they won’t really last long. may sawa factor.

  6. I still believe na si Paul jake ang manalo. kahit sabihin mayabang sya pero nakita mo sa mga task parang hindi sya mayaman. Masipag talaga.

    Kahit big fan ako nila Melissa at Jason, makikita mo na di sila masipag. Pero for sure isa sa kanila ang mananalo dahil over exposed ang dalawa sa PBB dahil tumataas ang ratings pag sila ang pinag-uusapan.

    Talagang its business noh. Para sa ratings. un nga lang ung mas deserving hindi ang mananalo.

  7. halatang maka PJ, nakalimutan yatang banggitin ang mayabang! ang pangit kay PJ kung makautos sa kapwa hs akala mo katulong lang nya sa kanila, yon lang ang pangit kay pj pero nakacompetitive nya at saludo ako don!

Leave a Reply

Your email address will not be published.