Vhong Navarro, ‘di na normal ang buhay

Vhong-NavarroMARAMI ANG nagbago sa buhay ni Vhong Navarro after ng bugbugan issue na kinasasangutan ni Cedric Lee na sangkot din si Deniece Cornejo.

Akala nga raw ni Vhong hindi na matatapos ang movie niyang Da Possessed ng Star Cinema na nasimulan ng komedyante bago pa man ang iskandalo.

Sabi ng manager niyang si Direk Chito Roño, marami ang naging pagbabago kay Vhong. “No more nightlife. Behave na muna siya,” kuwento sa amin ng kapatid na Chito sa labas ng Dolphy’s Theater last Sunday after the press launch.

Sa ngayon, guarded ng mga private security si Vhong na hindi na idinetalye ni Direk kung ilan ang plain clothes bodyguard ng komedyante for security reasons.

Maging si Vhong, nanibago mula nang bumalik siya sa pagsi-shooting. Gustuhin man niyang maging normal muli ang buhay niya ay hindi niya ito nagawa agad-agad.

May lamlam ang pagiging komikero ni Vhong lalo pa’t hindi pa naghihilom nang todo ang bangungot na naranasan niya.

Pero ang mga kasamahan niya sa pelikula, supportive sa kanya. Lalo na ang mga komedyanteng mga kasamahan tulad nina Joy Viado, Beverly Salviejo, Empoy Marquez, Smokey Manoloto, at Tsong Joey Marquez.

“Tinulungan nila ako kahit papaano para maramdman ko muli ang showbiz,” kuwento niya sa media.

After ng masalimuot niyang karanasan, mahirap pa rin kay Vhong na makabalik sa ‘dating’ Vhong. Sa unang araw ng pagbabalik shooting niya ng pelikula nila ni Bb. Joyce Bernal, laki ng pagbabago niya. Hindi niya alam kung papaano siya muli magpapasaya sa mga tao na minsang tumangkilik sa kanya.

Biro nga ni Direk Joyce sa kanya kung okey lang na palitan na lang siya as bida kung hindi pa siya handa. Sabi ni Vhong, “Niloko ako ni Direk kung kaya ko pa raw at papalitan niya ako. Pero sinagot ko siya na wala siyang choice dahil may playdate na ang pelikula kaya ako pa rin ang bida.”

Sa movie, si Solenn Heussaff ang kapareha niya na ang peg ay palagi itong magpapakita ng kanyang panty sa mga eksena kung saan as always palaging short dress (parang mini-skirt) ang suot nito na halos iluwa na ang kuyukot.

Pero inggit ang mga kalalakihang kasama ni Vhong sa Da Possessed dahil may kissing scenes sila ni Solenn.

Lalong nang-inggit si Vhong sa mga kasamahang lalaking komedyante ng sabihin ng kapareha na, “Malambot ang lips niya at ang kissing scene namin labas-dila.”

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Vhong Navarro, ‘di na normal ang buhay

  1. dahil yan sa mga demonyong sina cedric lee, deniece coneho at yung isa pang pokpokinang girl na nakalimutan ko ang namesung hahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.