Vhong Navarro, ‘di na babalik sa It’s Showtime?

Vhong-Navarro Vhong-NavarroMAS NANINIWALA ako sa mga death threats kay Vhong Navarro kaya mahigpit ang security sa kanya at hindi ito basta-basta lumalabas. Kaya matagalan pa talaga bago makabalik si Vhong sa trabaho.

Sabi ni Direk Chito Roño, baka sa pelikula raw muna siya lalabas at wala raw muna sa It’s Showtime. Baka nga hindi na siya makabalik du’n.

Sa February 14 ang preliminary hearing, pero ang kampo na nina Cedric Lee at Deniece ang sisipot dahil hindi na kailangan du’n si Vhong.

Nasumite na ni Vhong ang mga dapat niyang i-submit sa Department of Justice kaya hindi pa muna sila magtatagpo.

Takot pa rin daw si Vhong na makita sila, dahil bumabalik ang trauma na nararamdaman niya.

Kaya nga kahit sa mga interviews sa TV ay hindi sila pinapanood ni Vhong.

Sana matapos agad itong kaso nila at lumabas na talaga ang buong katotohanan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Vhong Navarro, ‘di na babalik sa It’s Showtime?

Leave a Reply

Your email address will not be published.