Vhong Navarro, deadma na sa bagong rape case

Vhong-NavarroAYAW NANG patulan pa ni Vhong Navarro itong panibagong rape case na isinampa laban sa kanya.

Nagulat na lang kami nang meron na naman daw nagdemanda ng Rape laban kay Vhong na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ang nagdemanda raw, isang nagngangalang Margarita Fajardo na ang sabi nahalay raw siya nu’ng 2010 pa.

Nakakaloka, ‘di ba? Parang walang ginawa si Vhong kundi ang mang-rape nang mang-rape?

Ang nakakaloka pa, tomboy raw itong nagdemanda dahil pinilit daw siyang halayin kahit alam niyang tomboy ito. Parang the height naman ng ka-cheapan ito.

Kung marami ang nagulat, ang kampo ni Vhong ay hindi na. Nagbigay ng statement si Atty. Alma Mallonga na hindi na raw sila nagulat, dahil alam na raw nilang lahat na lang ay gagawin ng kalaban para siraan si Vhong.

Ang sabi nga ni Atty. Mallonga, pati nga raw siya ay tinatakot ni Cedric Lee na kung ipagpapatuloy nito ang pagtatanggol kay Vhong, baka siya raw ang susunod na kasuhan at ipa-disbar daw ito.

Pero lalong hindi natakot si Atty. Mallonga. Mas mabuting hintayin na lang daw ang resolution ng Department of Justice sa mga kasong isinampa ni Vhong dahil ‘yun daw ang may sapat na katibayan.

Kung meron daw lumabas na panibago pang rape case, hindi na kagulat-gulat at haharapin naman daw nila ito.

Ayaw nang sagutin ito ni Vhong dahil sa totoo lang, parang tutulong pa sila sa promo ng pelikula ni Vhong na Da Possessed na malapit na yata ang showing.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Vhong Navarro, deadma na sa bagong rape case

  1. sure na pakawala na naman nina deniece coneho at cedric lee yan, at sure na sure na isa ring kaladkkaring pokpok yan hahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.