Vhong Navarro: binaboy nila ako!

 alt=

Vhong-Navarro“BINABOY NILA ako… binugbog, tinakot nila ako…. papatayin ‘yung mga anak ko, magulang ko, pati ako!” Mangiyak-ngiyak na kuwento ni Vhong Navarro sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa showbiz-oriented talk show na Buzz ng Bayan kahapon.

Mariin ding itinanggi ng It’s Showtime host na hindi niya pinagtangkaang gahasain ang babaeng nauna nang umakusa sa kanya sa isang police blotter. Kaugnay ito ng nangyayaring pambubugbog sa kanya ng isnag grupo ng kalalakihan noong Miyerkules ng gabi, January 22, sa isang condominium unit sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ani Vhong, “Hindi ako rapist. Hindi po ako nagda-drugs. Matino po akong tao. May takot ako sa Diyos.”

Sa panayam ni Boy, sinabi ni Vhong na biktima siya ng pamba-blackmail ng isang kaibigang babae na pinangalanan niyang Denise Millet Cornejo.

Sa kuwento ng komedyante, dalawang taon na ang nakararaan nang una niyang makita si Denise. At nito nga lang nakaraang mga araw nang muli silang magkita. Una noong gabi ng Januray 17 (Biyernes), kung saan sinabi ni Vhong na inimbitahan siya nito sa condo para sa isang “friendly meeting” at hindi niya ito girlfriend.
Pag-amin pa ni Vhong, “Hindi ako gagawa ng move kung hindi siya nagpakita ng motibo. May nangyari po, pero walang sexual intercourse.
“Kung ayaw niya, sana sumigaw siya ng ‘Rape!’ Sana may mga kalmot, galos ako, o meron siyang sakal or what, pero wala po. Maliwanag po na gusto niya ‘yung nangyari.”
Maayos naman daw silang naghiwalay, pero nag-text daw si Denise ng “Bad boy ka” kasunod naman ng pagtawag sa kanya ng “sweetie” ng mga sumunod na araw.

At noong gabi nga ng January 22, muli silang nagkita ng babae sa condo unit ng huli, kung saan may dala pa umanong pagkain si Vhong para kay Denise dahil nag-request nga raw ito ng pagkain.
Sa kuwento ni Vhong, pagpasok niya sa condo unit, nagtaka siya sa pahayag ni Denise na “Binigla mo ako”, gayung alam ng babae na darating siya.
“Bigla siyang lumabas… may lumabas nang lalaki, nakatutok sa ‘kin ‘yung baril. Tapos lumabas na si Cedric Lee.” Pagdedetalye ni Vhong.
Kinunan pa umano siya ng video. “Pinapasabi nila sa’kin, ‘Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ‘yung kaibigan ko’.
“Ang ginawa nila sa akin grabe. Binaboy nila ako. Tinakot nila ako… papatayin ‘yung mga anak ko, magulang ko, pati ako.”
Binugbog aniya siya ng grupo ni Lee na nasa anim hanggang pitong kalalakihan at unang hiningian ng ng P200,000 bilang damage kay Cornejo. Nagbago umano ng isip si Lee at itinaas pa umano sa P500,000, hanggang sa naging P2 milyon pa. Pero sabi ni Vhong, P1 million lang ang kaya niyang ibigay.

Sinabihan naman siya ng isang “Mike” na ipaba-blotter ang nangyari, pero hindi siya kakasuhan basta’t ibigay ang pera.
Dinala si Vhong sa presinto para sa blotter. Kasama rin si Cornejo na hindi na makatingin nang diretso sa kanya, kung saan naririning umanong sinasabi ng babae ang mga salitang “I’m sorry, Vhong…”
Nang pakawalan na siya at ihatid sa kanyang kotse na naiwan sa The Fort, tumawag pa si Mike. “Sinabi, ‘Walang lalabas na video, walang lalabas na blotter, walang lalabas sa media, basta ibigay mo lang ‘yung hinihingi namin ni Cedric.'”
Sumang-ayon si Vhong na magbigay ng P1 milyon, kinabukasan pero hindi niya ginawa. “Natakot lang talaga ako.” Nagsalita na umano si Vhong dahil natatakot siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo ng kanyang mga anak, pati ang career. Ayaw rin daw niyang mangyari ang ganitong bagay sa ibang tao.
Nakahanda naman si Vhong na harapin ang ibang isyu na puwedeng lumabas, kasama na ang video dahil sa hindi pagbabayad ng P1 milyon.

Makikita aniya sa video, “…na binaboy ako mula sa baba, sa ari, sa private part ko, ipinakita nila du’n na medyo baboy na, at the same time itong video ko na sinasabi ko na ‘Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko.’ Wala akong video na nakikipagtalik.”
Sa huling bahagi ng interview, sinabi ni Vhong na, “Kung meron man akong kasalanan, isa lang iyon – sa girlfriend ko.”
Humingi siya ng tawad, kasabay ng pasalamat sa mga fans at kaibigan na patuloy na ipinagdarasal ang kanyang paggaling.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

31 thoughts on “Vhong Navarro: binaboy nila ako!

  1. kung di naging mahilig sa chicks si vhong, di nangyari sa kanya ang pambubogbog. Posible na hindi nya ni-rape ang girl… Pero hindi ibig sabihin na inosente si Vhong, una sa lahat may girlfriend na pala sya, di pa sya nakontento, bugbog tuloy ang napala niya… binaboy pa ang private part niya… anytime sigurado na may lalabas na video or pictures sa ginawa nila kay Vhong. At malamang na di na naman mahuli-huli ang nag-upload nito… ito ang leksyon: Makontento sa isang girlfriend at huwag ng humanap ng iba ng hindi mabugbog at mababoy.

      • kawawa talaga c vhong binugbog na nga inikusahan pang rapies……mga taong wlang magawa xaa buhay!!!!!hai naku hindi n22log ang dios…..xa bwt ginagawa nlang masama my kbayarn……hintayin nio yung karma nio…..#pray din kau ha pra sa recovery ni vhong

  2. ang libog kasi ayan bugbog ka. para di nga naman kumalat sa media, nag-offer ng pera si rapist kaya nagalit lalo mga kasama nung tsik kaya binugbog sya. pag dating sa police station, pina-blotter at pinakawalan pagkatapos pumirma. may police escort pa para lang kunin yung sasakyan. bakit di sya pumunta sa ibang presinto para magsumbong kung takot sya sa taguig police? obvious paawa para di malaman ang totoo. tsk tsk.. kay boy abundat pa unang nagpa-interview at di kung kanino lang na media personality… tsk tsk galing na actor ni x44

    • nyahahahahha sa mga Kufalmilyang kunsidor diyan hahahhaha …bagong katawagan ngayon……..INGAT INGAT BAKA MA VHONG NAVARRO hahahah

      • get ur facts straight dear. hndi nmn s taguig pinablotter c vhong s mandaluyong nmn eh. shunga! and besides s tingin mo kung ikaw nsa posisyon nya nung panahon n un, do u think mkakapag-isip k p ng matino? takot kya cya kya malamang hndi din cya kaagad nkakilos. malay b nmn ni vhong n kasabwat din ang mga pulis n yan.

      • Yah your right. Hindi sya sa TAGUIG POLICE STATION dinala, kundi sa isang Liblib na lugar :) Nanunuod kaba talaga ng balita?

  3. Siguro lumalabas ngayon na kawawa c Vhong…oo, kawawa cya kasi inagrabyado siya. Pero sa isang banda, baka iyon din ang karma niya dahil sa pagkahilig nya sa babae. Kung talagang matino siya, dapat hindi na siya nag-try sa ibang girl dahil may GF naman pala siya. Lesson learned Vhong??

  4. naniniwala ako kay Vhong ..isipin mo na lang kung ikaw ang nasa sitwasyon niya . puro takot ang nararamdaman , at kaligtasan ng pamilya ang laging nasa isip . syempre susundin mo na lang ang lahat ng gusto ng mga demonyong un . Hindi lahat ng tao may ganyang kalakas ng loob na kayang paglabanan ang takot . tskkk sana makamit mo na ang hustisya Vhong ! .. andito kami para sayo

  5. HINDI DAPAT KAY VHONG NANGYARI YAN, DAPAT KILA DEVIL CRISTY FERMIN AT ALFIE LORENZO SA KANILA DAPAT MANGYARI ANG NANGYARI KAY VHONG, KAYA MAG INGAT NA KAYO DEVIL CRISTY AT ALFIE BAKA KAYO NA ANG SUMONOD!!

    • KORAK! Hndi lng ky Cristy Fermin at Alfie Lorenzo pti n rin si Alex Brosas! LALO NA ANG BAYARANG BASHER AT BLOGGER NA SI FUCKINGPULIS! I heard si MVP ang ngbabayad s mongoloid n social climber n bakla n yun. KAKAHIYA TEACHER P NMN KUNO NG LA SALLE!

  6. masarap asawa ko si mon nom nom nom mon ohhh mon ahhhh mon yum yum mon ohhh ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh oh ah ah.

    siyanawa!

  7. malivug ka ksi hayan napala mo.
    pasalamat ka at di ka ni rape ng anim na yun! kung nagkataon, bugbug ka rin ni vice ganda sa inggit niya sa iyo! imagine, anim na lalake yun, pangarap ni vice yan!

    • nyahahahah pag nakulong na yan,,sa salang Attempted rape,,,hahahahah pipilahan yan sa City jail,…..habang sumasayaw ng Pamela……hindi lang pala si Daniece ang na MANYAK ng Vhong na yan…meron pa bang iba….mga kufalmilya diyan,,,,huwag ilihis ang isyu…

  8. ang kapal ng fezlak nung kati-katihang babae na yon, rape? eh, bakit pinapunta niya si vhong sa condo niya tapos siya pa yung may gustong tsuktsakin siya? isa lang ang tawag sayo, POKPOK!!! HAHAHAHAHAHAHA! masunog ka sa imyerno!!!

  9. Naawa man ako sa iyo Vhong pero kasalanan mo rin naman kasi yan. Yang mga anak mo ibat ibang nanay Me girlfriend ka na nga nakikipag fling ka pa sa ibang babae. Malamang kasi lasing ka na nung gabing iyon at tingin mo rin kasi eh bibigay sa kama yung babae dahil solong solo nyo yung unit niya. Natural me balak ka ring galawin siya dahil nagdala ka ba naman ng alak sa unit niya me intensiyon ka rin naman na mag one night stand kayo kung makakalusot na bumigay rin yung babae. Eh kaso hindi pa natamaan ng espirito ng alak yung babae at ayun nagka pwersahan na sa kama umaaway na makipag sex sa iyo. Kung me nangyari man feeling niya nababoy siya kaya siya nag text sa iyo ng Bad ka. Malamang nagsumbong yang si Deniese sa mga barkada niya at kumo lalake mga yan iba rin ang takbo ng isip ng mga yan kaya nag set up na rumesbak ke Vhong sa attempted rape niya sa barkada nila. kaya ayan ang kinahihinatnan niyan nabugbug siya tuloy. Kaya kinuyug na rin siya sa presinto para ireklamo. Pumirma naman itong si Vhong sa reklamo ng babae meaning naintindihan rin niya na pa blotter siya nung grupo na yun. At hinatid pa nila cedric at mga pulis si Vhong sa bahay.

  10. Tamaa :(( Kung narape sya talaga sana hindi na nya inatras yung kaso, apo pa naman daw sya ni Rod Cornejo. Kayang kaya nilang ipakulong si vhong kung totong nirape nga sya nito. At isa pa, kung nirape man sya ni bong walang karapatan ang mga bumogbog skanya na saktan sya dahil ang dun, hindi sila batas para gawin yun. Mayaman naman pala sila ee sabi ni Cedric bakit hindi nila ituloy ang kasong attempted rape para maparusahan ng tama hindi yung nilalagay nila sa kamay nila yung batas. Tao parin si Vhong, hindi sya kailangan ganunin. Nakakaawa sya, bugbog sarado. Tas sasabihin ni Cedric hindi nila binugbog si vhong? hindi pera habol nila dahil mayaman sila. Ayun naman pala ee bakit kailangan iatras ang kaso laban skanya? kung ikaw ay isang babae at tinanggka kang gahasain ng isang sikat na artista, ma-aattempt mu bang iatras ang kaso at isa walng bahala na lang lahat? To think na isa syang sikat na artista na makikita mu lagi sa Tv, ma-aattempt mu na makita lagi sa tv ang taong gusto kang gahasain? Wow huh ! Tas eto pa sa yaman nyo na alam mung kayang kaya nyong magbayad para makulong sya pag sinampahan sya ng kaso. Bakit kailangan iatras? Aber? Naku ! naman kay ganda mu pa naman tas ganun lang? Mayaman kapa , at may pinag aralan ka pa. DB? Alam mu ang tama at mali. Alam mu kung anu ba dapat talaga ang gawin. Kaya nyo naman pala higitan ang 2M ee, bakit kailangan iatras. Hindi kaba matutuwa na masisira si Vhong, pag nakulong sya? Hayaan na natin ang NBI tumuklas kung sinu talaga ang may kasalanan sa LAHAT ng ngyari.

    • nyahahahahah nasa NBI na ngayon si Denise nag File na ng formal complaint laban kay BugVhong Sarado…hahahahha patay ka ngayon Mr. Swabee…walang ka swabe swabe ang kapal pakan mo,,,bugbog sarado ka pa,,,dahil sa ka manyakan mo hahahah hindi ka pala kuntento sa GF mong si Tanya Winona,,,,,,pume plesing ka pa pala sa iba hahahahha

      • walang merit yang kasong yan ni denise…mukha naman talaga siyang pakawala….dapat silang makulong ni cedric

      • Heller ? Nakinig kaba ng balita? Hindi tumuloy ng NBI sila Deniece kahapon. Hahaha.. Nag pa interview palang sila pero hindi pa sila Pumupunta ng NBI para mag File ng Case.

  11. HMMMM…FIRST OF ALL, KAWAWA NAMAN SI VHONG. SECOND, HINDI AKO NANINIWALANG TOTALLY INNOCENT SYA. THE MERE FACT NA NAKAPIRMA SYA SA POLICE BLOTTER, IBIG SABIHIN, NAINTINDIHAN NYA ANG REKLAMO NUNG GIRLALU AT IN-ACCEPT NYA NA DI NA ITO MAGDE-DEMANDA. DI NYA PWEDENG SABIHIN NA TINAKOT SYA EH POLICE STATION NA YUN MISMO, ANG DALI-DALING SABIHIN SA POLICE NA MAY BANTA SA KANYA KUNG TOTOO. RIGHT THEN AND THERE, PWEDE NYA NANG HINGIN ANG TULONG NG PULIS AT SABIHIN NYANG MAY DEATH THREATS SA KANYA. BUT NO. WHAT HE DID WAS “HE SIGNED” THE STATEMENT OF THE GIRLALU, SIGNIFYING NA NAG-A-AGREE SYA DITO. OBVIOUSLY, ALAM NYA NA MERON SYANG KASALANAN. I REALLY BELIEVE NA MAY PWERSAHANG NANGYARI. ALIBI NYA NA LANG YUNG KINIKIKILAN SYA NG P2 MILYON. ASAN ANG PROOF? THE COURT SYSTEM IS ALL ABOUT PIECES OF EVIDENCE AND PROOF. KAILANGAN NI VHONG NG MAGALING NA ABOGAGO PARA MAPANIWALA NYA NA TOTALLY INNOCENT SYA. SA GANDA NG GIRLALU, PALAGAY KO, NAG-ATTEMPT TLG ITONG SI VHONG NA GAWAN NG SOMETHING AGAINST HER WILL. PLUS, MAG-AAKSAYA PA BA NG ORAS YAN TO GO TO THE POLICE STATION AT MAGPA-BLOTTER? HAAAAYYY…

    • Engot ka ba? kahit cno na lumagay sa sitwasyon ni Vhong sa pangyayari natural lang na sumunod sya sa mga diyablo na tulad ni cedrick lee..lahat ng iuutos sa kanya susundin nya dahil sa sobrang takot! kahit nakrating pa sila mismo sa mga pulisya eh kasunod prin ang mga kampon ni diyablo na si cedrick kay vhong,natural lang na andun prin ang takot nya kaya puro yes na lang sya at napapirma sya! ikaw kaya maging si vhong?

      • nyahahahahha mas Engot ka pala EPAL,,,,nandun na siya sa Presinto….bakit hindi siya dun pumiyok,,,at sabihin sa mga Pulis na may banta sa kanya…hahahahha anong tingin naman niya sa mga Pulis,,,bakit sa Media siya nag iiyak lalo na sa IYAKAN NG BAYAN ni Boy Abunda….bakit hindi siya mag reklamo….yung mga unang araw,,,puro Press Realease ng mga taga Abias cbn ang maririnig mo…wala namang formal complaint….

      • Ay Eengot Engot ka nga Kristd! kung ikaw ba naging si Vhong sa mga pangyayari magagawa mo ba yung sinsabi mo? lalo na kung nakatutok syo baril? at nakasunod sila hanggang sa presinto? natural lang na susunod na sya sa gusto ng mga hinayupak na kalahi mong si cedrick kupal! nakataya buhay nya at pamilya nya kaya ang nsa isip nlang nya ay sumunod at maisahan nya un cedrick about sa transaction dahil sa pera!! gets mo?? kundi mo gets bahala ka na sa buhay mo!! hahaha

      • nyahahahahha Engot na Engot ka pa,,Bengot kapa EPAL hahahhaha sa loob ng Police Station,,,hahahah maduduwag ka,,,,kaharap mo ang mga pulis,,,,maduduwag kang magsabi ng katotohanan,,,,hahahahha, at pumirma pa siya sa Blotter…..TANGA siya ENGOT pa…hahaha,,,parang inamin na lang niya ang kasalanan niya…bakit hindi ba siya nagtanong o may nagtanong sa kanya kung bakit ganoon ang hitsura niya ng pumunta sila Police Station hahaha kasama pa yung nagpa BLOTTER,,,,kung talagang pinag bantaan siya at tinakot,,,,hangang sa Police Station pa ba,,,,natakot siya TANGA siya,,,alam mo pag nasa loob ka na ng Police Station o Presinto alisin muna ang takot mo,,,kanlungan talaga ng humihingi ng Hustisya ang loob nun…ang lakas naman ng loob ng grupo ni Cedric pati sa loob ng police station nasindak siya hahaha TANGA siya….yun lang yun…may kasalanan din siya diyan,,,,

      • Excuse me lang, dagdag info. May mga connection si Cedric Lee, kaya kahit pulis, pagdududahan mong magsumbong,, yun ang nangyari kay Vhong. Pati pulis kasi hawak nila. Pera pera kasi…

      • SABIHIN NA NATING MAY KONEK ITONG SI CEDRIC LEE SA MGA PULIS, OH EH, TAMA BANG I-ASSUME NI VHONG RIGHT AWAY YUN? TANGA NA TLG SYA KUNG GANUN. ESEP-ESEP…

      • Syempre.. Paano kung hindi nya inassume na ganun , tas ksabwat nga yung mga pulis? Ee patay sya ngayon..

      • VOVAH! PUT YOURSELF IN VHONG’S SHOES. NASA PRESINTO KA NA MISMO, AS IN THAT IS PROBABLY THE SAFEST PLACE FOR HIM AT THAT VERY MOMENT. ANONG GINAWA NYA? IMBES NA PUMIYOK RIGHT THEN AND THERE, NAG-AGREE SYA SA GIRLALU. KASI, NATATAKOT SYANG KUMALAT ANG ISSUE AT MASIRA SYA. LALO NA, MABIBISTO NG GF NYA AT NG MGA ANAK NYA ANG KALOKOHAN NYA. ESEP-ESEP…

  12. Kaya lesson learned ito sa mga kalalakihan, pag may karelasyon na kayo, huwag kayong gumimik lalo na kung may babae involved. At kung artista ka rin, it comes with territory, hindi mo na talaga alam kung sino ang mga mababait na tao around you dahil sa sikat ka na, marami ka na ring pera kaya ang tingin ng tao sa yo, ay pera ka lang kaya dahil nandun na kayo sa showbiz, be extra careful of who you associate with and where you are going. If you are going somewhere, be sure you are with your PA or Manager or Security Guard dahil hindi talaga maiwasan na ang tao ngayon ay pera lang ang hangad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.