Vest with plate number, kinontra sa Senado

KINONTRA NI Sen. Ramon ‘’Bong’ Revilla Jr. ang panukala na gawing mandatory ang pagsusuot ng vest na may nakatatak na plate number ng lahat ng mga naka-motorsiklo.

Bukod sa vest, nais ding palagyan ng sticker ng plate number ng motorsiko ang likod ng helmet para madaling makilala ang mga kriminal na nasasangkot sa tinatawag na “riding-in-tandem” sa Pilipinas.

Sinabi ni Revilla na kung susuriin ay delikado ang nasabing panukala dahil maaari rin naman gumamit ng nakaw o peke na vest na may plate number.

“Delikado ‘yan kasi baka gamitin ng kriminal yug nakaw na vest o pekeng vest na my plate number na iba tapos gamitin sa krimen, kawawa naman ‘yung walang kasala-nan,” pahayag ng senador.

Ang nabanggit na panukala ay isinusulong ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Richard Albano at inaasahang ipa¬tutupad sa lungsod ng Quezon.

Ang pa¬nukala ay suportado rin ni QC Mayor Herbert Bautista na nag-donate na ng daan-daang vests sa kanilang mga riders partikular sa mga empleyado ng City Hall.

Layon din nito na masawata ang krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem.

Ayon pa sa mambabatas na tutol siya sa panukala at sa halip ay dapat pag-ibayuhin ng pulis ang kanilang trabaho katulad ng paggamit ng mga mobile cars sa pagpapatrol, pagsasaayos ng mga communication system at paggamit ng motorsiklo para mabilis na makatugon kapag may nangyayaring krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.