Versoza, Tatalikuran na ang Problema sa PNP

Idineklara ng superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) ang “Magilas Day” noong Sabado habang isinasagawa ang isang testimonial parade para sa pagreretiro ni Director General Jesus Versoza bilang Philippine National Police (PNP) chief.

Para sa ilang nagsidalo sa naturang okasyon, ang araw na ito ay tinaguriang “Verzosa’s Day” sa dahilang nakapaskil ang mga litrato ni Verzosa sa lahat ng sulok ng PMA Magilas Hall.

“This is a lesson I want to leave you. When faced with the greatest challenges in the performance of your duties … when [you are] agonizing over decisions to make, look [up] to the institution and make sure that you do not compromise it,” ayon sa pahayag ni Versoza.

Nalulungkot naman si Anticrime crusader Dante Jimenez, na nakilahok rin sa nasabing okasyon dahil sa iniwang imahe ni Verzosa sa pagreretiro nito.

Ang mga hindi pa nareresolbang isyu hinggil sa tinaguriang “Euro Generals” scandal at ang hindi matapos-tapos na kaso ng Hong Kong tragedy noong Agosto 23 ang tinutukoy ng huli kay Verzosa.

“[The] Luneta [hostage taking] was a reflection of the leadership, but [politicians] sacrificed the PNP … My bottom line here is [politicians] also sacrificed the citizens [to protect their interests], But Verzosa admits that already… Verzosa did not run away from the problems. He engaged them. He reacted to them. He is telling us we need to be more vigilant,” pahayag ni Jimenez.

Hindi naman daw tatakasan ni Verzosa ang ginawang problema sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.