Versoza, Pinababantayan ng Senado sa Immigration

NAIS NG SENADO NA isama sa watchlist ng Bureau of Immigration si retired Philippine National Police chief Jesus Verzosa, dahil sa patuloy na pang-iisnab nito sa imbitasyon ng Senado na dumalo sa imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiya sa Jueteng.

Pinangalanan ni Archbishop Oscar Cruz si Versoza bilang “ultimate recipient” ng Jueteng money. Isa pang diumano’y nakikinabang sa Jueteng ay si Interior Undersecretary Rico Puno.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Senate blue ribbon committee, pina-subpoena ng Senado si Versoza, pero dinala ito sa tirahan ng dating chief of police habang nasa abroad naman ito.

“Today, we’re issuing a letter to the Bureau of Immigration to put him (Verzosa) on the watchlist,” sabi ni Guingona sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Versoza, Pinababantayan ng Senado sa Immigration

  1. Kaya pala nag early retirement si Verzosa nakangiti pa noon. Bale wala pala ang monthly salary niya kumpara sa jueteng income. Mga galamay pala pati PNP chief. The Jueteng Mafia. Principal contibutor sa campaign ni Penoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.