Venus Raj, ‘wagi’ na sa Miss U!

MALAKING INGAY ANG ginawa ni Maria Venus Raj nang ma-dethrone siya as Miss Universe representative ng Binibining Pilipinas Charities Inc. Ayon sa BPCI, inconsistencies sa kanyang mga papeles at dokumento ang naging dahilan ng kanyang pagkakatanggal. At sa latest statement ni Venus noong isang linggo, sinabi nito na gusto niyang ma-reinstate siya as Bb. Pilipinas-Universe hindi dahil sa awa o “humanitarian reasons”. Hindi naman daw kasi naging basehan ang pagkakaroon ng passport sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

Marami na ang kumampi kay Venus. Pero kung may mga nagtatanggol sa kanya, may mga sumasalungat din. Marami na ang nagsasabi na bakit puro pa-interview pa itong si Venus at hindi na lang asikasuhin ang kanyang passport para makapagpatuloy na siya sa pagti-training?! May mga tsismis pang kumakalat na ine-enjoy raw ng kampo ni Venus ang media fanfare na ito kaya patuloy pa rin siya sa pagpapa-interview.

At ang nakakagulat pa rito, ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na binali ng BPCI ang kanilang desisyon sa pagkaka-dethrone sa isang kandidato! Sa loob ng 46 years ng kanilang pamamalakad ng BPCI, ngayon lang sila nagdesisyon ng ganito. Na-dethrone sina Anjanette Abayari, Tisha Silang at Janelle Bautista nang hindi naibabalik sa kanilang ang title!

Puro bukod sa ingay na ito, gumagawa na ng ingay sa ibang bansa si Venus Raj. Sa isang website sa Spain, www.20minutos.es, nagkaroon ng isang early survey kung sino ang gusto nilang manalo sa nalalapit na Miss Universe sa October 2010. Mula sa 26th position, tumalon na sa No. 1 ng listahan si Venus at nakakuha ng 4,346 na boto, sinusundan siya nina Miss Bolivia at Miss Mexico. Pero halos kalahati na ang lamang ni Venus sa mga kalaban. Ang iba pang bansang kasama sa top 10 ay sina Venezuela, Korea, Panama, Colombia, France, Puerto Rico at Curacao.

Marami ang nagsasabing malakas talaga ang laban ni Venus sa Miss Universe. Ang kanyang hitsura na may pagka-Indian na ethnic ay maganda ang rehistro sa kamera. Madalas ay rindi na tayo sa mga naririnig natin na malakas ang ating manok sa beauty pageant na ito, pero iba daw talaga ang laban ni Venus. Dahil bukod sa kanyang natatanging ganda, matalino at cum laude pa ito. Kinarir na talaga niya ang mga pageants kaya hindi malayong karirin na niya nang todo ang Miss Universe at iuwi ang korona!

At ‘pag nangyari ito, sopla lahat ng kanyang mga kritiko! Pakitaan mo nga sila Venus!

HUWEBES NA NAMAN at maganda ang inihandang episode ng Us Girls sa Studio23! Dahil sa pagkakahilig nating mga Pinoy sa Mexicanovela, isang Latin-inspired episode ang inyong mapapanood! Mga masasarap na Mexican at Brazilian dishes ang titikman ni Angel, at mga Mexican at Latin inspired dress at outfits ang susubukan namang isuot ni Iya! Isang one on one interview naman ang ginawa ni Chesca kasama ang Brazilian beauty na si Priscilla Mereilles. May mga deklarasyon pa si Priscilla tungkol sa kanyang nalalapit na kasal kay John Estrada! Abangan n’yo ‘yan! Us Girls mamayang gabi na, 9 P.M. sa Studio23!

Previous articleMga Bituing Tulad Natin: Ginagawang Table ang Pader (Derek Ramsay)
Next articlePhoto Oops: Pasingit naman! (Marian Rivera-Dindong Dantes)

No posts to display