Venus Raj, super inspired sa non-showbiz boyfriend!

IBA TALAGA kapag in love ang isang babae. May kakaibang glow at nagbu-bloom ang beauty. Gaya na lang ng beauty queen na si Venus Raj na masaya at inspired lagi dahil sa napapabalitang boyfriend niyang nagngangalang Andrei.

“I am super-inspired!” nakangi-ting sabi ni Venus nang makakuwentuhan namin kamakailan. “Oo. There’s someone special na… siguro ang masasabi ko eh… hanggang do’n na lang sa merong nagpapakilig sa akin ngayon.

“Hanggang do’n na lang muna. Kasi kapag maraming info kang ibinibigay, masyado ka nang iniintriga. Ayoko lang dumating sa gano’ng point na parang… happy ka sa relationship mo tapos parang bigla na lang may intriga tungkol sa ‘yo o may intriga tungkol do’n sa lalaki. Hindi mo maiiwasan iyon, e.”

For sure, bukod sa guwapo ay matangkad din ‘yong guy na sinasabi niya? “Unfortunately… hindi!” natawang sabi ni Venus. Hindi kasing-tangkad ko! 5’8” ako. 5’7” naman siya. One inch lang naman ang tangkad ko sa kanya.”

May wedding plans na ba? “Uhm… kapag nag-boyfriend ka kasi, alam mo na do’n din pupunta iyon. But as early as now, hindi pa pinaplano. Pero alam mo na do’n din pupunta.”

She’s 25. When is the right time for her para mag-settle down? “Maybe… I don’t know… 27. Mga ganyan. I’m not sure yet.”

Happy sa kanyang love. Okey rin lang naman ang takbo ng kanyang career. Bukod sa regular hosting job niya for  the early morning show na Umagang Kay Ganda at Sunday musical variety show na ASAP sa ABS-CBN, may launching movie na rin daw inihahanda ang Regal Films para sa kanya. Pero wala pa siyang detalyeng maikuwento tungkol dito. Saka na lang daw kapag nagsimula na siyang mag-shooting.

Ano’ng pagha-handa ang ginagawa niya sa nalalapit na pagsabak niya sa pelikula? “Sa tingin ko, I’ll go into acting workshops.”

Okey ba sa kanya to do some sexy roles? “No. Definitely not.”

What about doing torrid kissing scenes and lovescenes? “A… tatanungiun ko muna ang nanay ko! Ha-ha-ha! Mukhang ayaw ni Nanay. Ang Nanay ko ang unang-unang magsasabi na… hindi, huwag muna! Ha-ha-ha-ha!”

At siguro, tututol din ‘yong guy na special someone niya ngayon? “Siyempre! Oo. Ayaw din niya.”

Ita-try rin daw ni Venus ang singing.

“Why not, ‘di ba?” tawa ulit niya. “’Yong singing, iyon ang hindi ko pa alam kung talagang mapapangatawanan ko! Ha-ha-ha! Pero sa tingin ko, mag-i-enjoy ako kapag ginawa ko siya. ‘Yong singing, ina-arrange ngayon na kahit papa’no parang magkakaroon ako ng mga small gigs, ‘yong gano’n. Parang practice-practice lang muna. As long as… nag-i-enjoy ka sa ginagawa mo. ‘Yong sa pagiging recording ar-tist naman, bakit hindi? Kung talagang maga-ling na magaling na akong kumanta.”

Go… go… go, Venus!

 

IBA TALAGANG bumirit si Angeline Quinto. Recently ay nakita namin kung paano siya palakpakan ng mga naroon sa Skydome kung saan ginanap ang launching ng soundtrack album ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, kung saan pangunahing tampok sina Piolo Pascual, Cristine Reyes, Jericho Rosales, kasama sina Maricar Reyes, Rafael Rosell, at iba pang magagaling na artista.

Si Angeline ang kumanta ng Maghihintay Sa ‘Yo na isa sa mga awitin sa nabanggit na sound track relased by Star records.  Kabilang din dito ang kantang Sa Kanya ni Piolo Pascual, Nang Dahil Sa Pag-ibig ni Cristine Reyes, at Pagdating ng Panahon ni Bryan Termulo.

Matapos mag-perform, nabanggit ni Angeline na excited na raw siya sa kanyang upcoming second album kung saan isang sexy na Angeline Quinto raw ang aaba-ngan parti-cularly sa pictorial pa sa cover nito.

“Sexy po talaga. Pero hindi po sexy na walang damit, huh! May damit pa rin po siyempre,” natatawang sabi pa ni Angeline.

Sexy na ang dating ni Angeline sa kanyang second album… how about a sexy pictorial din for a men’s magazine?

Puwede!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Venus Raj, super inspired sa non-showbiz boyfriend!

  1. NAGIIYOTAN NNAMAN ITO BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MABAIT PA OHAAAAAAAAAAAA

  2. yung felix andrei, yung ex ni jennylyn mercado?! oh my gosh! another joh pratts-bianca inggrata manalo couple??? haahhahahahaha. pero in fairness gwapo yung si andrei. goodluck na lang kay ate venus, kung sino man ang iyong inspirasyon o boyfriend, congrats be happy!

  3. Ang galing galing talaga ni Angeline Quinto. Ang soundtrack ng Budoy, dapat manalo rin ng award. Ang taas pero kayang kaya niya at napapaluha lagi si grandma pag naririnig ang Budoy.

  4. Non-showbiz bf? Di ba ang bf ni Venus ay si Felix Andrei na lumalabas din sa TV? May write-up nga sina Venus at Felix na happy sila sa relasyon nila. Paki-klaro nga, Mr. Marasigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.