Venus Raj, no show sa premiere night ng sariling pelikula

Venus-RajHINDI SINIPOT ni Venus Raj ang premiere night ng kanyang pelikula Ang Tweet ni Florante Kay Laura last March 5 sa SM North The Block Cinema 3, na idinirek ni Crisaldo Vicente Pablo.

Marami nga ang na-disappoint sa ‘di pagdalo ni Venus. Mabuti na lamang ay present ang halos lahat ng casts ng said film mula kay Ervic Vijandre, Anicka Camaya, Gio Medina, ang owner ng Artista Salon, Ralph Dela Paz, Cheska Carillo at Teejay Marquez .

Maganda ang feedback sa mga nakapanood ng Ang Tweet ni Florante Kay Laura na kumbinasyon ng komedya, drama at may konting aksiyon. Magagaling ang lahat ng mga artistang gumanap mula kina Venus, Ervic, Ynez Veneracion hangang sa mga new breed of stars na sina Teejay, Anicka, Ralph at Cheska.

Dumalo rin sa nasabing premiere night at sumuporta ang mga TV crews mula iba’t ibang TV networks at mangilan-ngilang artista na sina Empress Schuck, Carlo Aquino, Mark Neumann, Helga Kraft, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.