Venus Raj, pinatunayang hindi siya “thank you girl”!

DUMATING NA SI Venus Raj galing sa Las Vegas at mainit ang pagtanggap sa kanya dahil kahit 4th runner-up, malaking karangalan na itong ibinigay niya sa ating bansa.

Ang tagal na kaya nating “thank you girls” sa Ms. Universe kaya malaking bagay na itong nakamit ni Venus.

Ang dami pa ring nanlalait sa sagot nito sa Q & A, pero wala naman silang magagawa. Kahit anong galing ng sagot mo, hindi ka naman umabot sa Ms. Universe, wala ring mangyayari. At least, napansin si Venus at kahit papano lumaban siya at pasok sa top 5.

Ang pagkakaalam ko, dadalaw si Venus sa burol ni Melody Gersbach dahil close siya ro’n. At pagkatapos niyan, marami siyang guestings na dadaluhan at may mga activities ang Binibining Pilipinas na kailangang niyang puntahan.

Pero handang-handa na ang mga kababayan niya sa Camarines Sur na bigyan ng mainit na pag-welcome ang beauty queen. Kaya dapat masaya na tayo at bigyan ng major major na papuri si Venus Raj.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang buong kuwento namin kay Venus at baka nga live guest namin siya.

SA LUNES NA pala magsisimula ang Survivor Philippines Celebrity Showdown na ihu-host ni Richard Gutierrez, kaya abangan n’yo yan sa GMA Telebabad ng GMA-7.

Abangan n’yo na lang ang mga darating na episode at saka na ako magkukuwento sa inyo.

Basta interesado ako sa reality show na ito dahil marami sa kanila ang nakilala ko nang mabuti at nakatsikahan ko roon sa isla nu’ng ini-interview ko ro’n si Richard para sa Startalk.

Siyempre hindi nakaligtas sa akin itong ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre. Pero ingat na ingat siya sa mga sagot niya tungkol sa kanilang nakaraan.

Sobrang tagal na raw silang nag-break kaya hindi na raw dapat ungkatin pa. Masaya na rin naman daw siya sa buhay niya, at si Marian ay masaya na rin kay Dingdong Dantes kaya wala nang isyu.

Hindi pa nga raw niya pinag-iisipan kung papasukin ba niya ang pag-aartista dahil sa ngayon ay okay na siya sa participation niya sa Survivor Philippines.

Kung sakaling mag-aartista siya, hindi rin niya masagot kung okay ba na magsama sila nina Dingdong at Marian sa isang project. Saka na raw niya pag-isipan ‘yun kung nandiyan na siya sa sitwasyong iyan.

Pero tingin ko naman, pag-aartista rin naman ang bagsak niya, eh! Hindi ko nga lang sure kung okay ba kay Marian na magsama sila sa isang project. Feeling ko hindi!

Kasali rin dito si Aubrey Miles at abangan n’yo rin dahil may rebelasyon siya rito tungkol sa tunay na kalagayan ng relasyon nila ni Troy Montero.

Isa sa pinakamalakas pala na castaway rito si Aubrey dahil talagang pinaghandaan niya nang husto itong pagsali niya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Venus Raj, pinatunayang hindi siya “thank you girl”!

  1. james yap huwag kang magpaka inosente dahil mukha mo palang di na mapagkakatiwalaan at ang kapal ng mukha mo kunwari kapa na di mo habol ang pera ni kris eh yon naman talaga ang punterya mo manyak at mukhang pera ang buong mag anak ng james yap nayan

  2. Apparently, Mrs. Stella Araneta and BPCI were merely being managerial, not hypocritical, about Maria Venus Raj’s personal circumstances. Philippine law requires births to be reported to Government, inside territory (Local Civil Registrar’s Office) or outside territory (nearest Philippine Consulate/Embassy) within 1 month of occurrence. Late-registration renders a BirthCert suspiciously fraudulent, as in the case of Maria Venus Raj. Be that as it may, the lady is a Filipino national by principle of “jus sanguini” because her biological mother is a Filipino – notwithstanding that her biological father is Indian and that she was actually born in Doha, Qatar. The problem is, a late-registered BirthCert makes passport application at the Department of Foreign Affairs complicated and U.S. Visa application at Embassy Manila near impossible. Now if there’s no passport nor visa, how indeed to get to Las Vegas and compete?

    Unfortunately during the pageant’s final competition, poll and audience favorite Venus Raj subconsciously thought out her answer to William Baldwin in native language (Iriga Bikolano or Rinconada), and then articulated it in second language (English). Psycholinguists will confirm that a non-native speaker, even if intermediate level in learning achievement, may hardly be able to respond with spontaneous eloquence in second language within a fleeting time-sensitive instance at a public stage event. The hard lesson learned here is that, even if a Philippine beauty candidate can speak English, she should opt to avail of interpreter service, as how English-speaking Miss Mexico did. After all, Miss Universe is not an English public speaking contest — it is an international beauty competition!

    Still, making it to Top 5 in hand-me-down gowns was no minor, minor feat. So here’s my sincere “MAJOR, MAJOR CONGRATULATIONS TO MISS RAJ!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.