Venus Raj, may payo sa Bb. Pilipinas hopefuls

Venus-RajONGOING NGAYON ang Bb. Pilipinas pageant na ang coronation night ay sa March 20. Ang isa sa past winners nito na si Venus Raj, may ilang kandidata raw na bet na sa tingin niya’y pupuwedeng manalo.

“Actually marami akong gusto,” aniya. “Sa fashion show nga nila, may mga gusto akong candidates na nag-shine nang husto. Meron akong kababayan. Meron din akong mga kaibigtan na sumali na dati at candidate ulit ngayon.”

Year 2010 nang manalong Bb. Pilipinas-Universe si Venus. Same year din nang makapuwesto siya bilang fourth runner-up sa Miss Universe pageant.

Parang sa reign niya nagsimula na mapansin ulit ang gandang Pinay sa Miss Universe. Dahil kasunod niya ay pawang wagi rin sa nasabing pinaka-prestigious beauty pageant sina Shamcey Susup (3rd runner-up noong 2011), Janine Tugonon, 1st runner-up noong 2012), at Ariela Arrida (3rd runner-up last year).

“Well sa akin, tinitingnan ko siya na… inspirational. Natutuwa ako na I get to inspire so many young women. Na kahit pala taga-probinsiya, eh… okey lang na lumuwas sila ng Manila para sumali sa Bb. Pilipinas. Mas gusto ko po ‘yon na every year… uy, si Venus Raj nga nakaya, bakit hindi ko kakayaning higitan ‘yong nagawa niya? Mas natutuwa po ako na malaman na gano’n. Oo.”

Pero mukhang mas nakaka-pressure sa sinumang magiging representative ng bansa para sa Miss Universe this year. Kasi apat na magkakasunod na taon nang nagiging runner-up ang Pilipinas.

Na kung hindi man mapanalunan ang Miss Universe crown eh, at least man lang ay makapuwestong runner-up ulit.

“Opo!” sabay ngiting pagsang-ayon ni Venus. “Pero sinasabi naman namin sa kanila na huwag kayong masyadong ma-pressure. Kasi kapag na-pressure kayo, hindi ninyo mai-enjoy ‘yong pageant. Sayang ‘yong opportunity. At saka ‘yong parang one of a lifetime ngang gano’n na experience. Lahat ng kababaihan, gustong mapunta sa kinalalagyan nila. So, just enjoy the pageant, gano’n lang po.”

Bago siya nakoronahang Bb. Pilipinas-Universe noong 2010, nauna siyang sumali sa Miss Earth-Philippines kung saan naging runner-up siya sa titulong Miss Eco-Tourism.

“I was only 19 that time,” sabay ngiti ulit niya. “Okey lang naman kung ilang beses ka mang sumali sa mga  beauty contest. As long as wala ka pang crown na napapanalunan.

“And no’ng nanalo ako as Bb. Pilipinas-Universe,  iyon na ang peak ng dream ko. Na parang ibang pangarap naman ang ipu-fulfill ko. Napakarami ko pang pangarap. Nabanggit ko na nga na I want to teach and I also want to have my own foundation na makatutulong sa mga kabataan.”

She’s 26. When does she forsee herself getting married or settling down? “I think before 30 po. Kasi I wanna have my little kids before I reach the age of 30. Siguro mga dalawang anak lang, okey na ako. Kung ilan ang ibigay ni Lord. Okey sa akin.”

Dream wedding niya? “Ako lang po, basta ikasal ako sa taong mahal ko. ‘Yon lang. It doesn’t matter kung anong klase ng ceremony ‘yon. What’s important is may blessing ni Lord, may blessing ng pamilya, at committed ka do’n sa taong papakasalan mo.”

Tila madali nang naka-move on si Venus Raj sa break up nila ni Andrei Felix. ‘Yon nga lang, parang nahihirapan pa siyang makahanap ng kapalit nito.

“Hindi naman daw hinahanap ang kapalit,” nangiting sambit ng beauty queen-TV host. “Kusang darating na lang daw ‘yon. Kumbaga, ipagpi-pray mo lang na sana good ‘yong values. Maganda ‘yong character. Tapos same kayo ng paniniwala. At mahal ang pamilya mo,” sabi pa ni Venus.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Venus Raj, may payo sa Bb. Pilipinas hopefuls

Leave a Reply

Your email address will not be published.