Vendor, Todas sa Pagsaksak sa Sarili

TODAS ANG isang vendor matapos magsaksak sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng mada-ling-araw.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Danilo Flores, 23, ng G. De Jesus St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Leonora, 54, alas-2 ng madaling-araw nang magising siya at nakita ang anak na nakatayo habang hawak ang patalim.

Bago pa nakabangon si Leonora ay ibinaon na ng biktima ang hawak na patalim sa dibdib hanggang sa bumagsak ang huli na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang dahilan upang magsaksak sa sarili ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.