Vendor, Todas sa 3 Bala

TATLONG BALA ng baril ang kumitil sa buhay ng isang Muslim vendor ng isang hindi nakikilalang suspek na sinasabing paghihiganti ang motibo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na biktima ay nakilalang si Nasip Saomay, 27, may-asawa, cigarette vendor, tubong-Marawi City at kasalukuyang naninirahan sa Block 31, Lot 18, Phase 1, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ni SPO2 Joselito S. Delos Reyes, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Bagong Si-

lang Main Road, partikular sa harap ng GOZAP (Muslim community) sa Phase 1, Bagong Silang.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Delos Reyes, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen na may barilang naganap sa nasabing lugar.

Kaagad namang nag-

responde ang mga awtoridad ay nagsagawa ng ocular investigation kung saan isang lalaking Muslim ang nagbigay sa mga pulis ng tatlong basyo ng bala ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril.

Napag-alamang ilang araw bago naganap ang pagpatay sa biktima ay may nakasuntukan u-mano ito na isang drayber ng pampasaherong dyip na tinalo naman ng una.

Ayon sa ama ng biktima na si Imam Saomay, hindi na nila ipapa-awtopsiya ang bangkay ng kanyang anak sa dahilang ito ang kanilang kinaugalian.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Caloocan PNP upang malaman ang tunay na motibo at kung sino ang may kagagawan ng krimen.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.