Vendor, Tinarakan ng Utol na ‘Di Tinagayan

KRITIKAL NGAYON sa pagamutan ang isang 43-anyos na vendor makaraang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid makaraang hindi umano tagayan ng una ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan ay si Joel Taway, 43, may-asawa, vendor tubong-Catanduanes at residente ng Phase 7-B, Package 3, Block 86, Lot 5, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang suspek na nagtatago at pinagha-hanap na ngayon ay nakilalang si Rogelio Taway, nasa hustong gulang at naninirahan sa nasabing tirahan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Ronal Nanola, may hawak ng kaso ang insidente ay naganap sa loob ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar dakong alas 11:00 ng gabi.

Lumalabas sa im-bestigasyon ng pulisya, kasalukuyang mag-isang umiinon ng alak ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek ngunit hindi umano pinansin ng biktima.

Inis umanong umalis ang suspek at ilang sandali lamang ay dumating uli ang huli na armado ng patalim at kaagad na pinag-uundayan ng saksak nito ang nakatatandang kapatid at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ang biktima ay mabilis na dinala ng mga kaanak sa nasabing pagamutan kung saan ito ay patuloy na ino-obserbahan ng mga manggagamot.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek para sa madaliang ikaaa-resto nito.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.