Vendor, Patay sa Naka-Bonnet

PATAY ANG VENDOR matapos pagbabarilin ng lalaking naka-bonnet habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Idineklarang dead on arrival sa Tala General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa likod ang biktima na nakilalang si Janny Torio, 22, alyas “Pusoy”, ng Blk. 69, Lot Excess, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-investigation ang pulisya laban sa ‘di pa nakikilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket at bonnet na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen ‘di kalayuan sa tinitirhan ng mga biktima.

Nabatid na nasa kasarapan ng inuman ang dalawa nang dumating ang suspek at paputukan si Torio sa di-malamang kadahilanan kung saan tinamaan ito ng dalawang beses na naging dahilan ng agaran kamatayan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.