Vendor, patay sa kinulit na OFW

PATAY ANG ISANG vendor matapos pagbabarilin ng isang overseas Filipino worker na hinamon ng una ng suntukan habang nag-iinuman sa bahay ng huli sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Vicente Jaro, 34, ng Flovi Homes, Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Madardo Bayani, nasa hustong gulang, OFW, ng Paradise Village, Tonsuya ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, 8:30 ng gabi, kainuman ng suspek ang biktima at ilang kaibigan sa loob ng bahay ni Bayani nang maghamon ng suntukan si Jaro.

Hindi naman ito pinatulan ni Bayani at sinabihan na lang na umalis sa kanyang bahay na ginawa naman ng biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik sa bahay ang biktima na may dalang patalim at nang susugurin si Bayani ay agad itong pinagbabaril ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa MCU.        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.