Vendor na Nag-uunat-unat, Natangayan ng Bag

NABIKTIMA NG snatcher ang babaeng vendor na nag-uunat-unat sa gilid ng kalsada upang mawala ang antok sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nadakip naman si Nazareno Villareal, 33 ng Stotsenburg St., ng lungsod.

Base sa ulat, alas-3:20 ng madaling-araw, nag-uunat-unat ang biktimang si Joy Tolentino, 30, malapit sa kanyang puwesto sa Samson Road upang mawala ang antok nang biglang hablutin ng suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng cellphone at cash na P4,000.

Tumakas ang suspek habang nagtitili naman ang biktima at narinig ng guwardiyang si Erwin Jose na naging dahilan upang habulin at madakip ang suspek.

Nabawi ang cellphone subalit wala na ang cash ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

3 thoughts on “Vendor na Nag-uunat-unat, Natangayan ng Bag

Leave a Reply

Your email address will not be published.