Vendor, Inutas ng Kapwa Vendor

ISANG GINANG na vendor ang pinagsasaksak ng kanyang kapwa vendor matapos na kumprontahin ng una ang huli dahil sa sumbong ng anak ng pambabatok sa Tondo, Maynila kamakailan.

Dead on arrival sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Sheila Ebdane, sanhi ng mga saksak sa katawan, samantalang pinagha-hanap naman ang salarin na isang lalaking nagtitinda ng pakwan, nasa 40-45 anyos na tumakas matapos ang naturang insidente.

Base sa ulat ni SPO1 Jay Santos ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo

Nauna rito, nagtitinda ang biktima sa nabanggit na lugar nang nagsumbong sa kanya ang anak na si Hazel, 11, na umano’y madalas batukan ng salarin.

Dahil dito, pinuntahan ng biktima ang suspek sa kanyang puwesto at kinumpronta ito, suba-lit imbes na humingi ng paumanhin ay kumuha ng kutsilyo sa ilalim ng kanyang kariton at habang nakatalikod ay inundayan nito ng saksak ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.