Vendor, hinarang ng bala, kritikal

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang vendor matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na sakay sa motorsiklo habang ang una ay naglalakad pauwi ng bahay sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte  ng katawan ang biktima na nakilalang si Salvador Torcelino, 18, binata at residente ng Anahaw St., Brgy., 179, Amparo Subdivision ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ni P03 Joseph Delgado, may hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Anahaw St., nang harangin ito ng mga suspek lulan ng motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Walang salitang pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang nabiglang biktima at pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ang motorsiklo saka tumakas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.