Vatican, sasaklolo sa church restoration sa Bohol at Cebu

UMAASA ANG Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) on the Cultural Heritage of the Church na tutulong ang Vatican historical and cultural office sa gagawing restoration ng mga nasirang simbahan sa lalawigan ng Bohol at Cebu lalong-lalo na ang Basilica Minore Del Sto. Niño.

Sinabi ni CBCP presidente at Cebu Archbishop Jose Palma na nakausap na niya si Msgr. Giuseppe Pinto, ang Papal Nuncio to the Philippines o Pope’s envoy tungkol sa mga simbahang sinira ng magnitude 7.2 na lindol.

Kabilang sa mga simbahang itinayo noong Spanish era na nasira ng lindol ay ang basilica sa Cebu, Cebu Metropolitan Cathedral, ang St. Catherine’s Church sa Carcar City, ang Church of San Pedro Apostol sa Loboc, Bohol; Church of Our Lady of Light, Loon, Bohol; Santissima Trinidad Parish sa Loay, Bohol; Church of Our Lady of the Immaculate Conception na nasa Baclayon, Bohol; Church of Our Lady of the Assumption, Dauis, Bohol; San Nicolas Church, Dimiao, Bohol at ang Santa Cruz Parish Church, Maribojoc, Bohol.

Ang ibang nasabing simbahan ay centuries old na kaya itinuturing na malaking dagok sa heritage ng Pilipinas ang pagkasira ng mga ito.

Sa kabilang dako, mano-mano namang iniligpit ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DSWD) kasama ang mga private restoration experts, ang mga bricks at bato na nahulog mula sa bell tower ng Basilica at isa-isang nilagyan ng numbering gamit ang chalk at marker.

Ayon naman sa mga eksperto, ito rin ang kanilang gagamitin sa gagawing restoration.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.