Vaness del Moral, type makilala bilang singer?

BUKOD SA pag-arte ay may other side talent pala ang Starstruck 3 Alumni na si Vaness Del Moral at ito ay pagkanta na ‘di alam ng mga nakararami, most especially ng kanyang mga masugid na tagahanga.

Tsika nga ni Vaness sa mismong Playlist Musical Recital na hatid ng GMA Artist Center Talent Development last July 18, 2013 na ginanap sa 17th Floor Executive Lounge (GMA Compound ), “Actually hindi naman talaga ako magaling kumanta. Hahaha! Na-enhance lang talaga ni Direk Fredie (Santos) ‘yung voice ko.

“Tiningnan ni Direk Fredie ‘yung range ng boses ko, kung hanggang saan ang kaya ko, kaya nalaman ko na ito lang ‘yung mga song na puwede kong kantahin.

“Tsaka eversince kasi nu’ng bata ako, kumakanta na ako. Kasi ‘yung lolo ko, singer. Siguro sa kanya ko namana ‘yung pagkahilig kong kumanta, kasi lagi ko siyang napapanood kapag kumakanta siya. Hindi naman ako magaling kumanta , siguro marunong lang akong kumanta.”

Nagbabalak ka ba na magkaroon ng recording album? “Oo dream ko rin na magkaroon ng album if given a chance, iba kasi kung may iba kang ginagawa bukod sa pag-arte.

“Like ito na-discover ko na puwede pala akong kumanta, kaya naman nagkaroon ako ng idea na baka nga puwede akong maging singer, baka puwede akong magkaroon ng album.

“Who knows, ‘di ba? Baka sa pagkanta pala ako mas sumikat at makilala at hindi sa pag-arte. Hahaha!”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Vaness del Moral, type makilala bilang singer?

Leave a Reply

Your email address will not be published.