Vaness del Moral at Biboy Ramirez, nagli-live-in na?!

MARIING PINABULAANAN NG isa sa main cast ng inaabangang telefantasya ng GMA-7, ang Dwarfina, na si Vaness del Moral na nag-li-live-in na sila ng kanyang 1 year and 4 months na boyfriend na si Biboy Ramirez.

Ayon kay Vaness, nagulat daw siya nang lumabas ang nasabing balita, dahil hindi raw ito totoo. Ang totoo raw, magkalapit lang ang bahay nila ni Biboy at minsan ay pumupunta siya roon kasama ang kanyang kapatid. Pero hindi umaabot sa puntong doon na siya tumitira.

At kahit nga raw si Biboy, nagulat din sa nasabing balita, pero deadma na lang daw silang dalawa dahil wala namang katotohanan. Hindi naman daw kasi siya (Vaness) ganu’n ka-liberated, Pilipinang-Pilipina pa rin daw ang pananaw nito sa pakikipag-relasyon, kaya no way sa kanya ang live-in. If ever daw na magsasama na sila ni Biboy, sisiguraduhin daw nito na kasal na sila. Pero sa ngayon daw, masaya sila sa set-up ng kanilang relasyon at mas lalong napapamahal sa isa’t isa. ‘Yun na.

HINDI NA TALAGA maawat ang pag-arangkada ng mga produkto ng tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz, dahil ang dalawa sa pinakasikat na singer ‘di lang sa bansa, kundi maging sa ibang bansa ay nasa bakuran na nito.

Pormal na ngang ipikikilala sina Charice at Gary Valenciano bilang pinakabagong celebrity endorsers ng mga pabango ni Sir Joel Cruz.

Ayon kay Sir Joel, almost 1 year daw ang negosasyong naganap between him at sa humahawak sa career ni Charice, dahil na rin daw sa busy schedules ni Charice. Pero ha-ppy daw ito at nakuha niya ang Pinay International Sensation. At kahit nga anong pilit dito ay ayaw nitong sabihin sa mga manunulat kung magkano at ilang digit talaga ang ibinayad niya kina Charice at Gary V. Ang mahalaga raw, nakuha niya ang serbisyo ng dalawa at off the record na lang daw kung magkano ang bayad na tinanggap ng dalawa. ‘Yun na!

MASUWERTENG MATATAWAG ANG young star at miyembro ng Tween Stars na si Louise Delos Reyes, dahil siya ang napili para gampanan at magbida sa Alakdana, ang pinaka bagong telefantasya sa Dramarama sa hapon ng GMA-7.

Kaya naman pani-guradong marami-raming Teen Stars ng GMA-7 ang magre-react sa pagkakaroon ng solo soap ni Louise. Pero Infairness naman kasi kay Louise, bukod sa may magandang mukha ay nag-uumapaw ang talento lalung-lalo na sa acting, kung saan ipinakita nito ang kanyang galing sa mga shows na Ang Iibigin ay Ikaw, Ikaw Lang ang Mamahalin, Pilyang Kerubin, at Tweenhearts, at dito napansin ang potensiyal ni Louise na magbida.

Kaya naman very deserving si Louise na mabigyan ng pagkakataon na magbida sa Alakdana, dahil swak na swak dito ang role na babaeng alakdan. Tatlo ang magiging leading man ni Louise sa Alakdana – si Paulo, Richie Paul (kapatid ni Richard Guttierrez) at ang baguhang si Alden.

ALMOST  2,000 MGA bata mula sa iba’t ibang charity ang nakisaya sa mga kalaro nila sa Batibot sa muling pagbubukas ng musical dancing fountain sa Rizal Park lagoon kamakailan lang, sa pangunguna nina Koko Kwik Kwak, Kapitan Basa, Ning-ning at Gingging sa isang special one-hour live show kasama ang mga host nitong sina Ate Maya at Kuya Fidel, sa tulong ng Jack ‘N Jill Pretzels.

Nag-enjoy ang mga chikiting at kanilang pamilya sa handog na song and dance number, storyte-lling, at games ng TV5. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bata na maglaro sa booth games ng TV5 Kids at magpalitrato sa photobooth kasama ng kanilang favorite Batibot muppets.

Katuwang ang National Parks Development Committee (NPDC), muling binuksan ng Department of Tourism ang musical dancing fountain upang tulou-tuloy na pasiglahin ang Rizal Park. Dati nang naging sikat na atraksyon sa national park ang fountain bago ito mapatigil at muling buksan sa publiko. Mas kilalanin pa ang inyong paboritong kalaro sa Batibot habang natututo tuwing Sabado, 8:30-9 am; at araw-araw, 9:00-9:05 am at 4:15-4:20 pm sa TV5 Kids!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.