Vandolph at Zia Quizon, matatagalang mag-adjust sa pagkawala ng amang si Dolphy

KAHAPON ANG libing kay Mang Dolphy at ang pagkakaalam ko, bukas na ito sa media para mapanood ng lahat dahil isinara na ito sa publiko.

Dagsa ang dating ng mga tao at ang mga gustong makiramay sa Comedy King. Kaya tuwang-tuwa ang buong pamil-ya Quizon sa mga ipinakitang pagmamahal sa kanilang ama.

Ang isa pang ikina-touch nila nang husto ay ang pagsagot ni Manny V. Pangilinan sa hospital bills ni Mang Dolphy.

Kuwento nga ni Eric Quizon, pina-ready na raw nila ang bill at naghahanda na sila ng tseke. Pero sinabi ng staff sa kanila dahil wala raw itong alalahanin, sagot na raw lahat ni MVP.

Ang nag-ayos pala nang husto para sagutin ito ni MVP ay si Willie Revillame.

I’m sure hindi lang si MVP at Willie ang nagpahatid ng tulong kundi marami pa.

Nandiyan ang dating Pangulo Joseph Estrada, ang pamilya Revilla dahil sobrang close pala si Mang Dolphy sa dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Kuwento nga ni Andeng sa amin, nu’ng namatay raw si Mang Dolphy, nag-dinner daw silang lahat sa bahay ng daddy nila para sabihin ang masamang balita. Tahimik lang daw ito na pumasok sa kuwarto niya. Alam nila apektado ito nang husto, ayaw lang niyang ipakita.

Nakasanayan na kasi ni Mang Ramon na nakatatanggap siya ng mga ensaymada mula sa Hizons tuwing Pasko. Nu’ng nakaraang Pasko ay wala na raw itong natanggap dahil labas-masok na si Mang Dolphy sa hospital.

Hindi lang ang mga malalapit na kaibigan ang sobrang apektado sa pagpanaw ni Mang Dolphy kundi ang buong pamilya nito siyempre.

Medyo worried nga raw si Alma Moreno kay Vandolph dahil bigla na lang daw itong umiiyak kaya lagi niya itong kinukumusta. Sobrang dependent daw kasi ito sa daddy niya, kaya tiyak na mami-miss niya ito nang husto.

Ang isa pang inaalala nila ay si Zia dahil minsan nga raw ay iyak lang ito nang iyak sa kuwarto ng daddy niya. Siya kasi ang pinakabunso at talagang na-shower nang husto ng pagmamahal ng daddy niya.

Kaya alam nilang matagal pa ito, matagal silang makapag-adjust pero alam nilang ayaw ng daddy nila na magmukmok sila sa kalungkutan.

Dapat ni-lang kayanin ito at maging matatag sila dahil ‘yun ang gusto ng daddy niya. Susundin daw nila ang bilin ng daddy nila na magkaisa sila at hindi mag-aaway-away.

Siyanga pala, merong pinagha-handaan ngayon ang GMA-7 na special para kay Mang Dolphy.

Abangan n’yo ‘yan sa darating na Linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Vandolph at Zia Quizon, matatagalang mag-adjust sa pagkawala ng amang si Dolphy

  1. True ito, marami pa talagang stages of healing. Sana malampasan ng pamilya Quizon ang napakasakit nitong pagkawala ni Dolphy .

    • at putrizk obvious nmn po na un pic ni zia jan ay kuha po s isang event,,at matagal na din po yan.. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.