Van, Syut sa Bangin; 1 Patay, 2 Sugatan

ISA ANG patay habang dalawang katao ang malubhang nasugatan sa pagkahulog ng isang delivery van sa Camp 5 Tuba, Benguet.

Sinabi ng Tuba PNP na dead on the spot ang nakilala lamang sa pangalang Erwin na kasalukuyang nasa Baguio Memorial Chapel.

Samantala, nilapatan na ng lunas sina Rafael Maroon Garote, driver ng van at si Joel Balesteros, helper, sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad  na nanggaling ang natu-

rang delivery van sa Pampanga at patungo sana ito sa Lungsod ng Baguio nang bigla itong mahulog sa bangin na may lalim na 350 hanggang 400 metro mula sa kalsada.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.