Van, Nawalan ng Preno; 1 Patay, 13 Sugatan

ISA ANG kumpirmadong namatay habang 13 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang van sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng Dingalan Police Station ang nasawing biktima na si Ormantan Rocena, 33-anyos ng Palayan City, Nueva Ecija.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, patungo sana sa isang kasalan ang mga biktima nang mawalan ng preno ang pulang van na kanilang sinasakyan habang palusong sa matarik na daan na umano’y sumalpok sa gilid na kalsada.

Bunsod nito’y sinisisi naman ang kaanak ng mga biktima ang mga awtotridad dahil sa halos dalawang oras na naghihintay ng tulong ang mga biktima subalit walang umanong dumating na ambulansya at pulis sa lugar ng aksidente.

Samantala masuwerte namang dumating ang iba pa nilang mga kaanak mula sa Palayan City na sakay ng trak kaya agad isinugod sa pagamutan ang mga sugatan sa Cabanatuan City.

Ayon sa kaanak ng biktima, wala sanang namatay sa aksidente kung naisugod kaagad sila sa ospital.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.