Van, Nahulog sa Bangin; 6 Patay, 7 Sugatan

PATAY ANG anim na katao habang pito ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang private utility van sa may Km 43 Balangabang Atok, Benguet pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Atok Municipal Police Station, nahulog ang naturang van sa bangin na may lalim na 600 meters mula sa kalsada.

Galing ang mga biktima sa isang mass funeral sa Tadian Mountain Province at pabalik na sana ang mga ito sa Bagiuo City nang mahulog ang sinasakyan nilang van na may plakang WSY 874.

Nakilala ang driver ng van na si Wilbert Gaudin Galino habang inaalam pa ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at ng mga nasugatan.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa dahilan ng pagkahulog ng nasabing private van.

Sa ngayon, ginagamot ang mga sugatang biktima sa Sayangan Hospital sa Atok, Benguet at sa Benguet General Hospital and Medical Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.