Van, inararo ng tren: 3 patay, 9 sugatan

PATAY ANG tatlong katao habang siyam na iba pa ang sugatan nang magbanggaan ang Phillippine National Railway train  at isang van kahapon ng madaling-araw sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ni Police Superintendent Arsenio Bantayan, hepe ng Candelaria Police Office ang mga nasawi na sina Quesea Nicole Bolos, 5; Paula Oliquiano Carasig,17; at Nancy Oliquiano.

Nanatili naman sa Candelaria District Hospital at United Candelario Doctor’s Hospital ang mga sugatan na sina Jonathan Domingo, 46, driver; Jose Morilos Marti,20; Chrerka Oliquiano Carasig, 23; Angelor Oliquiano Marti, 20; Nathaniel Marti Bolus, 4; at Edwin Carasig, mga residente ng Bacoor, Cavite.

Ayon kay Bantayan, dakong alas-4:15 ng umaga kahapon,  pinahihinto at pinigilan ng flagman na si Christian Busay ang  sasakyan na puting Toyota Innova na may plate no. na ZDH-485 na tumawid sa riles pero nagtuluy-tuloy pa rin ang driver na si Jonathan Domingo kaya nahagip ito ng tren sa Maharlika Highway ng Barangay Masin, Candelaria, Quezon.

Dahil sa malakas na pagbanggaan, dead on the spot ang tatlo katao. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.