Van, Dumayb sa Ilog; 7 Katao, Nawawala

PITONG KATAO ANG iniulat na nawawala matapos na mahulog ang pampasaherong van na sinasakyan nila sa Pared River sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Biyernes ng umaga.

Nabatid na ang naturang van ay sinasakyan ng isang dating hepe ng pulisya na si Ex-Baggao chief of police P/Chief Inspector dominador Serquina kasama ang anim na iba pang pasahero na hindi pa kilala.

Bandang alas-6 ng umaga nang mag-dive ang van sa may 20 metrong matarik na kalsada sa Sitio Goloran, Barangay Vitag Grande.

Bumuo naman ng rescue team si P/Senior Supt. Mao Aplasca, Cagayan PNP director, upang hanapin at i-rescue ang mga biktima.

Dakong alas-9 ng umaga nang maiahon ng mga rescuer ang nahulog na van na pag-aari ni Serquina pero nabigo silang makita ang pitong pasahero.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.