Van drivers, ginagamit na drug courier sa Aklan

NABUKO NG pulisya sa Aklan na ginagamit na rin bilang drug couriers ang mga driver ng L-300 van sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Insp. Lory Tarazona ng Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO), isang driver ang tumawag sa Kalibo Police Station sa hinalang iligal na droga ang ipinadalang brown envelope sa kanya mula sa Roxas City papuntang Kalibo.

Ang naturang envelope na care-off kay certain Rey Dumagpi ay ipinadala sa pamamagitan ng L-300 van driver na binayaran lamang ng pamasahe.

Sinabi ni Tarazona na iniimbestigahan pa nila ngayon ang driver na si Rafael Tunggala, 49, residente ng Brgy. Linayasan, Altavas, Aklan.

Ibinigay nito sa mga awtoridad ang envelope na may lamang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000-P4,000.

Sa ngayon binalaan ng mga awtoridad ang mga drivers, inspectors o conductors na mag-ingat sa mga ipinapadalang sulat, package o maliit na mga cargo sa pamamagitan ng kanilang sasakyan upang hindi sila magamit bilang drug traffickers upang mag-transport ng iligal na droga.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.