Valerie Concepcion: Secrets of a Happy Single Mom

NAGKITA KAMI NI Valerie Concepcion sa show na Pilipinas Win na Win ng ABS-CBN. Saglit kong itinanong kung maaari ko siyang ma-interview at agad naman niya akong pinaunlakan. Niyaya niya ako roon sa tabi na inaakala niyang ‘di kami makakasagabal sa daanan.

Kumusta naman ‘yung pagiging host mo? “Ah, ok naman. Everything else, its ups and downs, advantages and disadvantages. Parang masaya na mahirap. I did Banana Split. I had a movie with Vhong Navarro iyong Supahpapalicious, that was comedy. Before, in GMA, I did Altogether Now, that was a sitcom also. Drama, comedy, hosting ngayon, so I’m exploring my talent.”

You mean hindi ka talaga bakante, talagang bising-bisi ka, huh? “Ah, sa awa ng Diyos, opo.”

Sa ngayon sino ang ka-partner mo? “‘Yung huli si Tom Rodriguez ,but wala po akong, uhmmn… steady na ka-loveteam.”

Wow, huh! How about your lovelife? “Ok naman po, single na masaya na nagde-date lang!”

Ah! Ang galing naman. O, sige… sa’n ka nagde-date? “Ahhh… secreeet! Ha-ha-ha! ”

Oy! ‘Di naman ako tsismoso, eh. Kapag nasa bahay ka, ano ang lagi mong kasama? “Ano ‘yun?”

Cellphone ba? “Ha-ha-ha! Ah ok, celphone, libro. I love reading books and what else? ‘Yung anak ko! Lagi kong kasama.”

Kumusta na siya? Malaki na ba? “Malaki na five years old na babae po.” Mag-aartista rin? “Ay, ‘di ko alam! Ha-ha!”

Ah, kumusta naman ‘yung father n’ya. Ok naman? “Wala na kaming communication, anything wala po.”

Ah, ok. Sa ganda mong ‘yan, sayang naman. Well, ‘pag nasa bahay ka anong paborito mong pagkain? “Basta po house food. Gusto ko mga lutong-bahay talaga, Pinoy foods. Rice person po ako, eh.”

Ayon sa kanya ang hobbies niya ay: “…Reading books, shopping at hang-out with friends and watching basketball games.”

Ano ka kapag ipininta kita sa canvas? “Ay, siguro kung ano iyong tingin sa akin ng painter, papayag ako. Kung ano ang pagka-judge sa akin ng painter, bahala na. Ha-ha-ha! If thats what he thinks ako. I cannot think of anything, eh. Ako if I say, I want to be seen as a responsible mom, paaano mo ipe-paint?”

Halimbawa bigyan kita ng role, off-beat role na Valerie na bad o stereotype na bida, o action actress? “Kahit ano promise, p’wede.”

Ah, kahit ano to build you as an artist? “Oo, kasi breadwinner ako.”

Wow! ‘Yan ang ating bida sa ngayon, si Valerie. ‘Ika nga, hindi natin maaaring husgahan ito, ayon sa aking pananaw dahil siya ‘yan, eh. Anumang mangyari, siya ang gagawa ng kanyang sariling daan sa inaakala niyang mas angkop sa kanyang pamamaraan, maging liko man ito at matuwid sa mata ng iba. Ang importante, isa siyang mabuting ‘single mother’ sa kanyang anak.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Related Post

loading...

2 thoughts on “Valerie Concepcion: Secrets of a Happy Single Mom

  1. Sa dami nang sama nang loob ni Valerie sa pangiinsulto, pangaahas at back stabbing ni Mariel, nakatayo pa rin si Valerie. Mas professional siya kaysa kay Mariel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.