Tanda Ba News?: Valerie Concepcion: Pagkatapos ng Unos

‘SUGAR AND SPICE and everything nice!’ Swak na swak ‘yan kay Valerie Concepcion. Pero hindi naging madali sa actress-TV host na marating ang kinalalagyan niya ngayon. Ilang matitinding karanasan sa personal at showbiz life ang sinuong ni Valerie na kahit papaano ay nagpatatag sa kanya nang husto.

Nagsimula si Valerie sa teen show na Click ng GMA-7. Kinse anyos pa lang siya nu’n. Mahilig na talaga sa pag-arte si Valerie kaya niya pinasok ang showbiz. Fully-booked na agad sa TV at movie projects that time ang kikay na co-host ngayon ng Wowowee. Kinakitaan naman agad ng husay sa pag-arte si Valerie, kaya noong 2003, hinirang siyang Best New TV Personality ng Star Awards. Marami ang nag-akala na magtuloy-tuloy na ang magandang career ni Valerie, pero kinailangan niyang iwan ang showbiz. Ang dahilan: Nabuntis siya at the age of 16. Ikinagulat nang lahat ang balitang ‘yon.

Pero blessing in a disguise ang nangyaring ‘yon kay Valerie dahil nang makapanganak, isang baby girl na pinangalanan niyang Fiona, nagkasunud-sunod muli ang projects ng TV host-actress nang magbalik siya sa showbiz. Nabigyan siya ng mahahalagang parte sa mga teleserye ng GMA-7 tulad ng Mulawin, Majika, at Atlantika. Sa TV series na Sinasamba Kita ipinamalas ni Valerie ang husay niya sa drama.

Of course, kung napansin ang talent niya sa pag-arte, sino ba naman ang hindi makapapansin sa kaseksihan ni Valerie? Kaya naman naging paborito rin siya sa ilang men’s magazine. Sa isang poll ng FHM, pumasok pa sa 42nd spot si Valerie sa sexiest women in the Philippines.

Hindi lang dito sa atin sikat ang actress-TV host, araw-araw ay napapanood si Valerie sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee na ipinalalabas din sa The Filipino Channel (TFC) ng TV network sa iba’t ibang panig ng mundo.

Paborito rin sa TV commercials si Valerie. Ang latest niya ay para sa isang slimming supplement. Nakaw-eksena rin siya sa beer commercial ng boxing champ na si Manny Pacquiao at international superstar na si Jet Li.

Sa kasalukuyan, nali-link si Valerie sa basketball player na si Dondon Hontiveros. Pero mukhang hindi pa handang pumasok muli sa isang seryosong relasyon ang actress-TV host.

by Erik Borromeo

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.