VALERIE CONCEPCION, LILIPAT NA SA TV5?

Totoo naman kaya ang tsikang tuloy na ang paglipat ni Valerie Concepcion sa Kapatid network dahil tapos na ang Pilipinas Win na Win? Last year pa lumabas ang tsismis na may offer daw ang TV5 kay Valerie, pero hindi ito tinanggap ng kanyang manager dahil namamayagpag pa noon sa ere ang Wowowee. Ngayong nasa TV5 na rin si Papi, sasamahan na kaya ito ni Valerie sa kanyang primetime variety show na Willing Willie? Nakatakdang lumabas ang sexy host sa Untold Stories of Face to Face at may ilan pa itong guestings sa nasabing network. Ito na kaya ang hudyat ng kanyang paglipat?

DANIEL MATSUNAGA, DESIDIDONG MAKAKUHA NG FILIPINO CITIZENSHIP!

Dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang nobyang si Heart Evangelista, mukhang desididong-desidido na talaga ang Brapanese model-turned-actor na si Daniel Matsunaga na tuluyan nang manirahan sa Pilipinas. Working permit pa lang ang hawak ngayon ni Daniel, pero noon pa ma’y tila napamahal na ito sa Pilipinas. Nasabi ng binata sa ilang interviews na si Heart na talaga ang gusto nitong pakasalan at mukhang wala namang tutol sa kanilang relasyon. Halata rin namang masaya ang isa sa mga prinsesa ng Siyete sa banyaga.

SID LUCERO, PINALITAN SI COCO MARTIN SA ISANG INDIE FILM

Lumabas ang balita noong nakaraang taon na nakatakdang gawin ni Coco Martin ang isang indie film sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza. Ito raw ang Abu Sayyaf inspired film na makakatambal niya dapat ang isang French actress. Hindi na matutuloy sa nasabing proyekto si Coco Martin kaya si Sid Lucero na ang pumalit sa kanya. Hindi rin maikakailang deserving ang binatang anak ni Mark Gil na maging bida sa nasabing pelikula. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama ni Sid ang award-winning director.

ALEX GONZAGA, SASABAK NA SA IYAKAN!

Kung noon ay kilala sa pagiging komedyante at bubbly host si Alex Gonzaga, ngayon ay susubukan na ang kanyang galing sa larangan ng drama. Nakatakdang gawin ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ang ‘Babaeng Hampaslupa’, ang bagong primetime telenovela na ipo-produce ng TV5. Si Alwyn Uytingco ang makaka-pareha ng dalaga sa nasabing soap opera. Ito rin ang magsisilbing showbiz comeback project ni Alice Dixon at may special participation din si Susan Roces.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

ShowTwitz

About the Author

has written 45 stories on this site.

loading...

8 thoughts on “VALERIE CONCEPCION, LILIPAT NA SA TV5?

  1. I also like Alex Gonzaga. Cute at kalog siya. I’m sure she will do great in “Ang Babaeng Hampaslupa ” . Maraming sanay sa comedy na magaling rin sa drama, gaya ni Maricel Soriano. Good luck to you Alex G.

  2. I like Valerie. I also admire her for working so hard to raise her child as a single mom. Hindi itinatago ang anak at proud pa siya na dinadala sa studio. I thought it was so cute when her daughter was her date at the Star Magic ball. Ang cute nang bata with matching evening gown pa ang mom ang daughter. I wish the best for her and if it is true, then i am vey happy to hear that she will be one of the hosts of PBB. I prefer her to you know who. Good luck Valerie and hope that you make the right choices. SI DONDON PA RIN BA?

  3. lahat naman ay may free will db?so valerie,go.go.go kung saan mo gus2.kung saan ka feel mo na mas masaya ka eh di doon ka.gusto ko beauty mo tsaka lambing ng boses mo at hindi pa rin halatang may anak na.

  4. dapat c valerie ay lumipat sa tv5 para sa anak niya cgurado ako na triple ang bayad niya mabait na bata kc cya at laging nakngiti keysa naman doon sa isa na superplastik go go go sa kapatid valerie

  5. VALERIE will host PBB season 4. Siya ang papalit kay Mariel Rodriguez. TV guestings lang niya muna ang sa TV5. This came from her mother itself :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.