VALERIE CONCEPCION, KAPAMILYA AT KAPATID

HINDI END OF the world para kay Valerie Concepcion ang pagkakatsugi ng Pilipinas, Win na Win. Nang mawala sa ere ang noontime show, madalas na nailalabas na ng sexy actress ang kanyang anak na si Fiona. Pero back to work na ulit si Valerie at dalawa pa ang kanyang teleseryeng gagawin! Ang isa ay sa ABS-CBN at meron din siyang gagawin sa TV5.

Isa si Valerie sa mga artistang ini-enjoy ang perks ng pagiging freelancer. Halatang na-miss ng aktres ang paggawa ng teleserye dahil nag-focus ito sa pagiging host ng mahigit tatlong taon. Sa drama rin nahasa ang talent ni Valerie nang nasa Kapuso Network pa lang ito. Way to go, Valerie!

MELISSA RICKS, HANDA NANG MAGPASEKSI

Handang-handa na ang Star Circle Quest alumna na si Melissa Ricks na magpaka-daring sa mga susunod niyang proyekto. Siya ang napili ng ABS-CBN na magbida sa remake ng isang Chilean telenovela (Dónde Esta Elisa?). Ipinapalabas na ang teaser ng Nasaan Ka, Eliza at kapansin-pansin na palaban na ang dalaga pagdating sa aktingan. Supportive naman ang real-life boyfriend nito na si Jake Cuenca.

Maituturing na big break ito para kay Melissa, na matagal-tagal na rin sa kuwadra ng Dos. Hindi pa nabubunyag kung sinu-sino ang makakasama niya sa bagong teleserye, pero balitang magkakaroon sila ng reunion ng ex-loveteam mate na si Matt Evans.

ROCHELLE PANGILINAN, PAHIHIRAPAN SI MARIAN RIVERA

Magsasamang muli sina Marian Rivera at Rochelle Pangilinan sa epicserye na Amaya. Kung sa Show Me Da Manny ay magkakosa ang dalawa, magkatunggali naman sila sa bagong proyekto. Excited at kabado ang SexBomb dancer-turned-actress dahil isang malaking break para sa kanya ang pagganap bilang kontrabida sa tinaguriang ‘Reyna’ ng Kapuso network.

Wala na rin pala sa kuwadra ni Joy Cancio ang pinakasikat na SexBomb graduate, pero itinanggi nito na magkaaway sila. Balitang tsutsugiin na sa Eat Bulaga ang SexBomb Dancers dahil sa pagtanggap ni Joy Cancio ng raket sa ABS-CBN. Si Joy ang choreographer ng Happy Yipee Yehey!

MELAI CANTIVEROS, IKINUKUMPARA PA RIN KAY POKWANG

Mahigit isang taon na rin ang nakararaan nang tanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up si Melai Cantiveros. Ngayon ay bida ito sa Precious Hearts Romances presents Mana Po kasama ang real-life sweetheart na si Jason Francisco. Kasali din ito bilang host sa Happy Yipee Yehey! Meron din itong ginagawang indie film na malapit na ring ipalabas at may upcoming endorsements pa ito.

Dahil dito, hindi maiwasang ikumpara ulit ito kay Pokwang, na iisa na lang ang regular show. Para kay Melai, hindi na dapat siyang ikumpara pa sa komedyana dahil maging siya ay out na rin sa Banana Split. Hmmm… bakit hindi na lang kaya si Melai ang ipalit kay Pokwang sa Temptation Island? Paging Mother Lily!


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

One thought on “VALERIE CONCEPCION, KAPAMILYA AT KAPATID

  1. Si Valerie kasi wala kang marinig na nagsabi yan ng negative about other people kaya yon, makapagtrabaho sa ibang network. She is very smart not to burn her bridges.

Leave a Reply

Your email address will not be published.