Valerie Concepcion, has rich benefactor?

NAKAPAGPAGAWA NA NGA ng sariling bahay ang sikat na TV host/actress na si Valerie Concepcion. Aminado ang dalaga na matagal na niya itong pinag-ipunan at ito ang kanyang pangarap na mabigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya.

Hmm… sa dami ng pinagdaanan ni Valerie mula nang mag-artista ito at malugmok sa pagbubuntis, buong tapang nitong hinarap ang lahat.

Nakapagpatayo nga siya ng sariling bahay at galing iyon sa kanyang pinagpaguran.

Pero hindi ligtas ang magandang dalagang ina sa mga intriga na magli-live in na ito, at ang pera raw umano na ipinampatayo ng bahay niya ay galing sa kanyang dyowa diumano na basketbolista, huh!

Hmm… at hindi lang ‘yan. May mayaman daw na manliligaw ang TV host/actress na madatung, at isa raw ito sa nagbigay kay Val ng pera upang makapagpatayo ng magandang bahay, huh!

Ngunit ito lang ang aking masasabi sa mga chikang ito. Araw-araw nating napapanood ang actress sa Wowowee. ‘Di ba sapat na ‘yun para makita natin na pinagpaguran niya ang lahat? Isa pa, matagal na niya itong pinag-iipunan. Kalakoka, ha? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Valerie Concepcion, has rich benefactor?

  1. I agree yama_sake. Marami sa atin ang makikitid ang isip. Marami rin sa atin ang walang trabaho kaya hindi sanay kumayod. Dahilan kung bakit pag may bagong bahay ka o kotse, may gay or old benefactor na. Do we not believe in hard work?

Leave a Reply

Your email address will not be published.